Online seller, patok na patok

0
379
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

SUMIGLA at lumakas ang maliliit na negosyo na kung tawagin ay online sellers ngayong nasa panahon tayo ng quarantine. Dahil sa pinairal na lockdown na ang mga ay matagal na namalagi sa kani-kanilang mga bahay, sinamantala ng mga kababayan nating maabilidad ang kasalukuyang sitwasyon.

Meron nga naman silang Internet at gadget kaya sa pamamagitan ng social media tulad ng Facebook ay nakapagta-transact sila ng business. Samut-saring mga paninda ang nakikita nating lumabas sa wall ng Facebook: Pagkain, damit, alahas, beauty products, electronic devices at marami pang iba.

Kaya pati na ang brick-and-mortar businesses ay luminya na rin sa online shop dahil ito ang demand ngayong nasa GCQ, MGCQ ang maraming lugar sa Pilipinas. Kahit nga ang simpleng kakanin tulad ng suman, bibingka, halaya, leche plan ay mabentang mabenta.

Datirati ay ang mga mga motorsiklo ng mga delivery boy ng mga kilalang fastfood store tulad ng Jolibee, Shakeys, Chowking, Greenwich at Pizza Hut ang makikitang tumatakbo sa kalsada upang maghatid ng mga order ng kani-kanilang mga costumer. Ngayon ay nakikipagsabayan na rin ang delivery boy ng mga online seller o kaya naman ay ang seller mismo ang personal na naghahatid ng mga orders sa kanilang mga parukyano.

Talagang business minded ang marami sa ating mga kababayan. Kaysa tumunganga at maghintay kung kailan magno-normal ang panahon mula sa kalagayang quarantine ay minabuti nila gamitin ang kanilang mga kakayahan na makapagbenta online ng kanilang mga produkto o paninda.

May mga kakilala akong online seller sa aming lugar at tinanong ko sila kung kumikita sila sa kanilang pagnenegosyo. Sabi ng isa sa kanila: ” Sa awa ng Diyos ay kumikita naman ako at hindi kalugihan para sa aking ang pagkakaroon ng quarantine dahil sa covid dahil tinatangkilik na ngayon ng publiko ang online business.”

Ang mga kababayan naman natin ay nasanay na ring orderin na lang thru online transaction ang mga bagay-bagay na gusto nilang bilhin. Hindi na kailangang pumunta pa sila sa pamilihan dahil ihahatid mismo ng online seller ang kanilang inorder na produkto sa pinto ng kanilang bahay.

Ganyan talaga ang buhay. Tamang naapektuhan ng coronàvirus ang kabuhayan ng ating mga kababayan lalo na ang mga maliliit na trabahador pero nakagagawa pa rin ng paraan ang mga Pinoy na tumindig at nagpakatatag sa kabila nang pananalasa ng pandemyang dulot ng Covid 19. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here