Open dumpsite sa Bayan ng Santa Maria, nabuking!

0
158
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

BUENO magandang araw mga kabayan, isang malinaw na  kaso ng pang-aabuso sa kalikasan ang ipinarating sa inyong lingkod ng ilang nababahalang mamamayan kaugnay sa umanoy iligal na pagtatambak ng basura sa isang pribadong lote o lugar sa bayan ng Sta.Maria.

Bukod d’yan may ilang reklamo na rin ang mga residente sa barangay Caypombo sa masangsang na amoy ng basura na dumadaan sa kanilang barangay.

Ayon kay Brgy. Chairman Jess Mateo, matagal na nilang inirereklamo ang pagbagtas ng truck ng basura sa kanilang lugar.

Hinarang ng mga brgy. tanod ang driver ng truck ng basura na si Shielo Sonio na nangako naman na itatapon sa tamang lugar ang mga dalang basura.

Nabatid na lulan ng truck ang mga medical at hospital waste na itatapon sana sa naturang dumpsite sa Brgy. Pulong-Buhangin.

Napag-alaman na nakatambak sa pribadong lupa sa Brgy. Pulong-Buhangin ang mga ibat-ibang domestic at hazardous waste tulad ng face mask at iba pa.

Mga kabayan, sa batas ng Republic Act 9003 na Solid Waste Management Act mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa mga open dumpsite.

Ang inirereklamong dumpsite sa Brgy. Pulong-Buha­ngin sa Bayan ng Santa Maria, Bulacan.

Hindi rin pinapayagan ng batas na magtapon ng mga hazardous waste sa alinmang tapunan ng basura dahil may lugar angkop sa kanila.

Kailangan din na idaan sa treatment facilities ang mga hospital waste upang mamatay ang mga virus at bacteria bago ito itapon sa tamang sanitary landfill.

Gayunman mga kabayan may paliwanag ang Municipal Environment and Natural Resources (MENRO) ng Sta. Maria, Bulacan na mga naipon lamang daw na basura ng mga residente ng barangay ang itinatapon doon.

Pero kung makikita ninyo ang bahagi ng dumpsite ay may isang heavy equipment na backhoe ang naghuhukay ng lupa kung saan ang mga lupa na ito ay ginagamit na pang tabon sa mga tambak ng basura.

Isa pang delikado sa dumpsite na ito mga kabayan, malapit ang nasabing tapunan ng basura sa eskwelahan at mga taniman ng palay.

Mabuti na lamang at walang pasok ngayong panahon ng pandemya mga ’igan, kung nagkataon pasakit at pahirap ang aabutin ng mga paslit na malapit sa lugar dahil sa posibleng amoy na idudulot nito.

Dapat magpaliwanagang lokal na pamahalaan ng Sta. Maria sa sumingaw na tapunan ng basura,

Abangan…

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon magsend  lamang sa thony.arcenal@gmail.com (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here