Operation Libreng Hatid sa bangka, sagot ng bayan ng Calumpit

0
125
Personal na pinangasiwaan ni Calumpit Mayor Jessie De Jesus ang pamamahagi ng food packs sa mga residente ng Northville 9 sa barangay Iba O’Este na naapektuhan ng pagbaha dulot ng Bagyong Ulysses. (Calumpit MIO)

CALUMPIT, Bulacan — May Libreng Hatid sa pamamagitan ng bangka ang pamahalaang bayan ng Calumpit simula bukas dahil sa hindi pa maaaring madaanan ng kahit anong uri ng sasakyan ang kahabaan ng Calumpit-Hagonoy Road.

Ayon kay Mayor Jessie  De Jesus, apat na bangka  ang operational na at ito’y maghahatid sa tinatawag na Metro San Jose kung saan madaraanan ang barangay Gugo, Bulusan, Sta. Lucia, Meyto at Calizon.

Maghahatid araw-araw ang bangka mula ika-otso ng umaga hanggang ika-singko ng hapon para sa mga magsisipasok sa trabaho at mga residente sa barangay na  kinakailangan magtungo sa kabayanan.

Matatagpuan ang kanilang ilalaan bangka sa Incident Command post sa dike ng  barangay Calizon at ihahatid ang ibang pasahero sa may Colegio de Calumpit upang makarating sa kabayanan.

Ayon pa sa alkalde, sa sandalling bumabaw na ang baha, ang malaking truck ng munisipyo ang kanila naman gagamitin sa paghahatid ng pasahero.

Sa kasalukuyan, patuloy anya ang kanilang ginagawang relief operations upang mabigyan ng food packs ang mga lubhang naapektuhan ng pagbaha.

Nauna ng nahatiran ng tulong ang mga taga barangay Corazon, Northville 9 sa Iba o Este, Sto Niño at mga pansamantalang tumutuloy sa iba’t ibang evacuation centers at iyon mga nasa dike.

May 31 evacuation centers ang bayan kung saan 1,342 pamilya na ang nakalikas na may katumbas na 4,940 na indibiduwal.

Sa kabuuan, umabot na sa 34,507 pamilya  o may katumbas na 118,197 indibiduwal ang naapektuhan ng bagyo.

Samantala, may mga barangay pa ngayon sa Calumpit na wala pa rin suplay ng kuryente matapos ang pagtama ng Bagyong Ulysses sa Gitnang Luzon.  
Source: PIA Bulacan/Vinson F. Concepcion 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here