Opisina ng SSS sa Malolos, pinasok na ng COVID-19

0
436

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Literal na napasok na ng pandemyang COVID-19 ang opisina ng Social Security System sa naturang lungsod matapos mag-positibo ang dalawang empleyado nito sa isinagawang rapid test.

Mabilis namang isinailalim sa total lockdown ang nasabing opisina ng ahensiya ng gobyerno para sa disinfection na gagawin.

Ayon kay Mayor Bebong Gatchalian, sumalang sa rapid test ang pitong empleyado ng SSS at dalawa dito ang nagpositibo sa nasabing nakamamatay na virus.

Napag-alaman na residente mula San Rafael, Bulacan at isang taga–Pampanga ang nasaging mga empleyado.

Wala naman daw sintomas na nararamdaman ang mga ito at kasalukuyan nang naka-quarantine.

Kasunod nito ay isinara muna ang naturang tanggapan para sa disinfection habang ang iba pang empleyado ay isasailalim din sa swab test.

Agad naman umanong magbabalik ang operasyon ng tanggapan kapag natapos na ang testing sa iba pang mga empleyado at disinfection sa loob at labas ng naturang tanggapan.

At sa pagbabalik operasyon ay mahigpit aniya na ipatutupad dito ang mga safety protocols lalo na ang social distancing. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here