Home News Report ‘Oplan Biyaheng Ayos’ ng PCG, sinimulan na!

‘Oplan Biyaheng Ayos’ ng PCG, sinimulan na!

156
0
SHARE

SINIMULAN na nang Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang “Oplan Biyaheng Ayos” ngayong nalalapit na Undas.

Itinaas na sa Heighten Alert Status ang lahat ng tauhan ng PCG upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya upang besitahin ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sinabi ni PCG Spokesman Commander Armand Balilo na simula ngayong araw, October 26 at hanggang Nov. 6 ay mas hihigpitan pa nila ang pagbabantay sa mga pantalan, upang matiyak na maayos ang karagatan at ligtas sa pagbiyahe ang mga barko.

Maglalagay din aniya sila ng mga passenger assistance center sa mga pantalan sa buong bansa sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.

Samantala, naghahanda na rin ang PCG para sa pagpapatayo ng Coast Guard Station sa Marawi City upang matiyak na hindi makakalusot ang mga teroristang ISIS Maute Group na planong maghasik ng kaguluhan sa Mindanao.

Ayon sa tagapagsalita, mananatili pa rin sa mindanao station ang mga tropa nila mula sa kanilang Special Operation Group at anti-terrorissim unit upang maghigpit na bantayan angn naturang naval.

Sinabi pa ni Balilo, na posible na bago ang ika-116 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine Coast Guard na bago aniya mag Disyembre ay pababalikin na rin ang mga tauhan nito sa kanilang GHQ para naman gawaran ng parangal ng isang seremonya.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here