Home News Report ‘Oplan Tokhang’ ng PNP may butas — lawyer

‘Oplan Tokhang’ ng PNP may butas — lawyer

1074
0
SHARE

SA isinagawang oral argument kahapon iginiit ni Atty. Joel Ruiz Butuyan, ng Center for International Law Manila (Centerlaw), tumatayong abogado ng mga petitioner mula sa San Andres Bukid, Maynila na may butas umano sa “Oplan Tokhang” ng ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) kamakailan.

Malinaw na nilalabag ng PNP Command ang Memorandum Circular No.16 ang Bill of Rights sa ilalim ng Saligang Batas.

Nakasaad dito ang detalye ng “Oplan Double Barrel” kung saan nakapaloob ang Project Tokhang at Project High Value Target.

Aniya, kakaiba ang hirit nilang petition for writ of amparo para sa proteksyon sa pamilya ng biktima ng drug killings dahil mismong ang mga matataas na opisyal ng estado ang nag-eenganyo at sumusuporta na gumawa ng impunity.

Mismong ang mga pulis ay aminado sa pagkamatay at pagkawala ng mga drug suspects.

Nabatid na mahigit na sa 35 na kaso ng pagpatay sa San Andres Bukid, at 23 dito ay napatay ng mga pulis at 21 sa bilang na ito ay sa loob pa ng bahay ng mga biktima.

Samantala, nanindigan naman si Atty. Jose Manuel Diokno ng Free Legal Assistance Group na labag sa Saligang Batas ang memorandum ng DILG at PNP dahil labag ito sa prinsipyo ng presumption of innocence.

Nakakabahala din aniya ito dahil ang Oplan Tokhang ay magresulta na sa milyong insidente na ng warrantles visitation sa mga pinaghihinalaang drug personality. (RBON)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here