Orange Team, wagi sa BPC Bowling Tournament 2018

0
528

ITINANGHAL bilang kampeon sa nakaraang Bowling Tournament 2018 ng Bulacan Press Club Inc. (BPCI) ang Orange Team na ginanap sa DJ Paradise Resort sa Lungsod ng Malolos.

Naging mahigpit ang laban ng Orange team at Light Blue team sa championship round ngunit hindi pumayag ang team captain ng Orange na si Manny Balbin na hayaang umalagwa ang puntos ng kalabang koponan kaya katuwang sina Chat Petallana at Thony Arcenal ay ginapi nila ang Light Blue team na pinamunuan ni Manny dela Cruz.

Naibulsa ng Orange team ang championship grand cash prize na P15,000 habang ang Light Blue ay nagtamo ng P10,000 para sa 2nd placer habang ang Green team na pumangatlo at nakatanggap ng P5,000 cash.

Maliban kay Balbin, Petallana at Arcenal, kabilang din sa Orange team sina Corsini Reyes na nagpakita ng kakaibang husay sa naturang palaro, Joey Munsayac at Kevin Ramos.

Ang Light Blue team ay kinabibilangan nina Dela Cruz, Rommel Manahan, Verna Santos, Rhene Reyes at Flor Teodoro habang sina Eloisa Silverio, Nene Dela Rama, Mopi Raymundo, Jenny Raymundo, Sir JC at Donato Teodoro ang kabilang sa Green Team.

Naging panauhing pandangal sa naturang okasyon si Mr. Mac Dormiendo, Communication Officer ng San Miguel Purefoods na isa sa sponsor ng nasabing taunang sportsfest ng BPCI, ang pinakamatandang samahan ng mga bulacan-based media.

Sa taong ito ay malaking papremyo ang inilaan ng grupo upang ganap na masiyahan ang mga miyembrong mamamahayag.

Labis na pasasalamat ang ipinaabot ng pamunuan at ng mga miyembro ng Bulacan Press Club sa pangunguna ni Pangulong Erick Silverio at Executive Vice-President Rommel Manahan sa mga nagbigay ng suporta upang ang naturang aktibidades ang maging matagumpay.

“Maraming, maraming salamat po,” pagtatapos ni Silverio.

 

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here