Home Kakampi Ng Masa Ordinansa sa trapiko, hindi kayang ipatupad sa Hagonoy?

Ordinansa sa trapiko, hindi kayang ipatupad sa Hagonoy?

46
0
SHARE

NAKALULUNGKOT, mga ’igan na  bukod tangi po ang bayan ng Hagonoy sa buong  lalawigan ng Bulacan ang hindi kayang sumunod at magpatupad ng ordinansa sa batas trapiko.

Kung hindi tayo nagkakamali, panahon pa noon ni Mayor Willy Alvarado ng  lagdaan nito ang isang ordinansa, na nagbabawal sa anumang uri ng sasakayan na iligal na nakaparada sa mga maliliit na kalye sa  bayan ng Hagonoy.

Sa panahon ng dating alkalde, bawal ang pumarada sa magkabilang gilid ng kalye saan man lalo na sa mga matataong lugar tulad ng Poblacion at ang ilang bahagi ng pamilihang bayan.

At sa paglipas ng panahon,tila napabayaan at balewala na lamang ang ordinansang para sa pagdedesiplina ng mga tsuper.

Lalo na sa mga panahong ito, tila mga kabute na nagsulputan sa mga bawal na lugar ang  mga terminal ng TODA, hindi lamang isa, kung hindi dalawa at tapatan pa kung maglagay ng terminal ang mga damuhong nasa likod ng  illegal terminal.

Kung  makikita ninyo mga suki, dyan po malapit sa mga fastfood chain, ilang hakbang lamang ang layo sa Hagonoy Police Station at Municipal Hall, kaliwat-kanan ang terminal ng tricycle.

Habang ang iba naman sa mga illegal terminal ay ginamitan pa ng kulay orange, na linya na karaniwang ginagamit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tanong mga suki, may permiso kaya  sa tanggapan ng DPWH ang paggamit nila ng linyang kulay na yan?

Alam kaya ng mga  damuhong nagmamagaling ang ibig sabihin ng kulay orange na linya ng DPHW? Na ginagamit nilang proteksyon sa kanilang mga illegal terminal ng TODA.

Mga taga-Hagonoy, kilala nyo ho ba si Rene Crisostomo na sinasabing  kinatatakutan ng mga TODA operator, dahil kilalang bengador ng mga tsuper na ayaw sumunod sa kanyang patakaran.

Totoo po ba na si Crisostomo rin ang nasa likod ng patuloy na pamamayagpag ng illegal terminal dyan sa bayan ng Hagonoy at dyan po sa gilid ng isang foodchain, ang damuhong ito ang nagsisilbing protektor umano ng mga illegal terminal.

Ayon sa ating source, ang damuhong ito rin umnao ang responsable sa pagbebenta ng mga ginawang plaka o body number ng mga tricycle. Ang malungkot sa usapin na ito mga suki, wala raw mangahas na banggain ang  tarantadong  ito, dahil protektado daw ng ilang maimpluwensyang nanunungkulan sa pamahalaan ng bayan ng Hagonoy.

Ayon pa sa source, kapag may kumalaban sa kanya ay agad niya itong ipinahuhuli sa kanyang mga traffic enforcers kahit walang traffic violation.

Suportado umano ng isang Konsehal ng bayan ang balukto’t na pamamaraan ni Crisostomo. Anyway, unti-unti nating huhubaran ang ating bida at kung paano siya magbuhay hari sa makikitid na kalye ng Hagonoy. Abangan…

BLIND ITEM

Sino itong empleyado ng gobyerno sa Bulacan na labis ang tuwa ng alisan ng pangil sa panghuhuli ng mga drug pusher at usher ang local police, CIDG at NDI?

Para sa mga reaksyon at reklamo, magsend lamang sa thony.arcenal@gmail.com

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here