Outgoing Chief PNP PDir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa, nag-ikot at nagpasalamat muna bago ang pagreretiro

0
991

NAGPASALAMAT si outgoing Chief PNP Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanyang pag-iikot sa tatlong departamento ng pulisya na sumubok sa kanyang katatagan bilang pinuno ng Pambansang Pulisya.

Tinungo ni Dela Rosa ang tanggapan ng Counter Intelligence Task Force o CITF at nagpasalamat sa mga ito sa ginawang trabaho sa paglilinis sa hanay ng mga kapulisan at paghuli sa mga rouge police officials na sangkot sa mga iligal na gawain.

Pinuntahan din ng heneral ang Caloocan City Police Headquarters na naging kontrobersyal sa pagkamatay ng tatlong menor-de-edad na partikular na diyan si Kian Delos Santos at pinasalamatan din niya ang mga pulis na humuli sa mga sangkot sa pagkidnap at pagpaslang kay Korean National Jee Ik Ju.

Napaiyak pa si Bato ng alayan siya ng bulaklak ng mga dati niyang nakasama.

Ngayong Abril 18, 2018 ganap ng manunumpa ang bagong Chief PNP na si National Capital Region Police Office (NCRPO) Police Director General Oscar David Albayalde bilang bagong Ama ng Pambansang Pulisya,

Nangako si Albayalde na tutukan niya at ipagpapatuloy ang giyera laban sa iligal na droga at aniya magkakaroon umano ng reshuffle o paggalaw sa ilan mga key positions sa PNP.

Papalitan naman ni Quezon City Police Director General Guillermo Eleazar si kasalukuyang CALABARZON Regional Director General Ma’o Aplasca bilang bagong Regional Director dito mukha yatang nabasa ni General Albayalde na kailangan tutukan ang buong Calabarzon ng isang heneral na katulad ni Eleazar na galing na at sanay na dito sa buong Region IV-A para labanan ang mga katiwalian at iligal na aktibidad sa buong rehiyon.

Asahan na din ang pagbabago ng mga Provincial Director kapag pormal ng nakaupo si General Eleazar at hawakan ang kontrol ng buong Rehiyon ng Southern Tagalog.

Atin pong SUPORTAHAN ang magiging kampanya ng mga bagong mamumuno sa PNP lalo na kay General Albayalde at General Eleazar Mabuhay po kayo mga Sir at congratulations. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here