P1 milyong halaga ng high grade marijuana, nasabat sa Muntinlupa

0
701

MUNTINLUPA CITY — Mahigit P1 milyong halaga ng mataas na uri ng marijuana ang nasamsam ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa inilunsad nitong drug operation kamakailan sa Alabang Hills Village na isang eletistang subdivision sa Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakumpiska ang PDEA ng “Kush” at “Hashish” na pawang mga imported o hybrid na variety ng marijuana.

Iprinisenta ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino ang nabanggit na milyong pisong halaga ng marijuana na nakumpiska ng kanyang mga tauhan mula sa mga suspek na sina Rajiv Gidwani isang Indian National at Jeremiah Alero Carillo.

Sa pagtaya ng PDEA, nagkakahalaga ng P20,500 kada 20 gramo ang Kush habang P600,000 bawat 25 gramo ang Hashish.

Nasamsam din ng mga otoridad sa pag-iingat ng mga suspek ang liquid ecstasy at kanilang inaresto si Nari Kishinchand na ama ni Gidwani dahil tinangka nitong suhulan sila ng P1 milyon kapalit ng paglaya ng anak.

Pawang mga artista, politiko at kilalang personalidad ang mga parokyano ng mga suspek at may namataan pa ang mga operatiba ng umano’y politician na nagtungo sa nasabing lugar habang nagsasagawa sila ng surveillance, ayon kay PDEA Director Aquino.

Kinumpirma rin ni Aquino na itinatanim sa Kalinga, Apayao ang mga nasamsam na hybrid na marijuana. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here