Home News Report P100M pilot tech-voc training inilunsad sa Albay

P100M pilot tech-voc training inilunsad sa Albay

287
0
SHARE
INILUNSAD kamakailan sa Lalawigan ng Albay ang isang P100 million pilot training program na magbibigay-diin sa aspekto ng ‘technical-vocational education’ ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA) o Republic Act 10931, na magkakaloob ng libreng tuition sa kolehiyo simula ngayong taon.
Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda na siyang principal author ng RA 10931, layunin ng pilot program na tugunan ang ‘magkakaibang hilig o linya ng kahusayan at istilo ng pag-aaral ng mga kabataan na ang ilan ay maaaring hindi na rin gustong magtapos ng karaniwang apat na taong kurso sa kolehiyo. 8,300 kabataang Albayano ang target ng pilot program.
Sa ilalim ng UAQTEA, kapwa binibigyan ng pagpapahalaga ang mga kurso sa kolehiyo at ang kasanayang teknikal. Ayon kay Salceda, layunin ng programa nila na lalong itaas ang antas ng halaga ng serbisyo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ang Daraga Human Resources Development College, at Daraga Community College na gagawin nilang mga pilot school, at lahat ng mga LGU tech-voc schools sa Albay sa bandang huli.
Sa ilalim ng pilot program, nagtalaga ang 2nd District office ni Salceda ng 5,000 Training for Work Scholarships (TWSP) na may laang P25 milyong badyet, 1,500 Special Training for Employment Program (STEP) scholarship na may laang P15 milyon na pangangasiwaan ng TESDA at 1,800 TVET scholarship na may laang P54 mil­yong sa ilalim ng RA 10931.
Ang pagbibigay ng espesyal na pansin sa aspekto ng tech-voc education sa ilalim ng UAQTEA, ayon sa kanya, ay tugon din sa pandaigdigang pagkilos na ibalik at lalong palakasin ang tech-voc education sa mga paaralan, dahil nga sa ‘magkakaibang hilig o linya ng kahusayan at estilo ng pag-aaral ng mga kabataan’ na napatunayan na ng mga mananaliksik.
Ayon kay Salceda, maaaring maranasan din sa bansa ang ganitong problema, kaya ibayong kahalagahan ang ibubu­nga ng libreng technical-vocational training.
Sa Albay nagsimula ang libreng tuition sa kolehiyo sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education program ni Salceda noong gobernador siya nang siyam na taon ng lalawigan bago siya bumalik sa Kongreso noong 2016. Batay sa karanasang ito ang balangkas ng bill niya na naging RA 10931.
Source: Abante.com.ph
SHARE
Previous articlePolice arrested 2 municipal employees, 5 others for illegal drugs
Next articleBarangay kagawad sa Pangasinan, pinagbabaril
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here