P11.7 milyong halaga ng shabu, timbog sa Cavite

0
86

GENERAL TRIAS CITY, Cavite — Nalaglag sa kamay ng mga operatiba ng Drug Enforcement Team (DET) ng General Trias City police ang isang High Value target (HVT) na drug dealer matapos kumagat sa inilatag na drug buy bust operation nu’ng Biyernes ng hapon sa Brgy. Pasong Camachille 2 sa naturang lungsod.

Kinilala ang nadakip na suspek na si John Macmod alyas Johny (nasa Drug watchlist ng PDEA Cotabato City) at residente ng Pasong Buwaya, Imus City, Cavite.

Base sa ipinadalang report ni Police Supt. Paul Tangan Bometivo ang hepe ng General Trias City PNP kay Cavite Provincial Police Director Senior Supt.William M. Segun, nakabili umano ng limang piraso ng heat sealed plastic sachet ng shabu ang isang under cover agent na nagpanggap na poseur buyer ng halagang P200,000 sa suspek at mabilis na pinosasan ng magpositibo ang transaksyon.

Nakuha sa suspek ang karagdagan na 16 pcs. ng heat sealed plastic sachet ng mga hinihinalang shabu na may timbang na 1,728 grams at may estimated street market value na (P11,700.000, 10 piraso ng P1.000 bill na drug money, at ang ginamit 200 piraso na photo copied P1.000 bill na ginamit na boodle marked money.

Pasamantalang nakadetine ngayon sa General Trias Component Custodial Facility ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Violation of Sec.5 at 11 ng RA9165 o (Dangerous Drugs Act. Law of 2002) at walang inirekomendang piyansa. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here