P1,223 halaga ng isang manok, may katotohanan ba ito?

0
105
An opinion column by Louie C. Angeles

SADYANG mabigat kung may katotohanan ang inilabas na report ng Commission on Audit o COA na ang halaga manok na binili ng Pamahalaang Lalawigan ay P1,223 kada isa. Dapat ay magbigay ng paliwanag ang mga kinauukulan sa nasabing isyu dahil nakapakamahal naman na manok yan.

Maraming ang may gustong makapanam si Gobernador Daniel Fernando mula sa national radio, television at newspaper para mabigyan ng linaw ang nasabing isyu mula sa COA report.  

Kung hindi magpapaliwag si Gob. Fernando ay iba ang magiging kaisipan ng mga Bulakenyo sa nasabing isyu. Wala naman masamang magbigay ng paliwanag ang gobernador para mawala ang agam-agam na bumabalot sa buong bansa.  

At sana maging ang kinatawan ng COA ay magbigay ng pahayag para magkaroon din ng malinaw na ulat sa kanilang report sa usapin ng mataas na halaga ng manok.  

Kung sadyang may katotohanan man ang kanilang natuklasan na report ay ano na ang gagawin ng kanilang ahensya kung ito man ay masasabing isang anomalya.

Ilan bang manok ang pinag-uusapan na binili ng Pamahalaang Lalawigan at ito bang nabanggit na manok ay ipinamahagi noong kasagsagan ng Enhance Community Quarantine o Modified Enhance Community Quarantine?  Kung saan higit na kailangan ng mga Bulakenyo ang tulong ng sa panahon ng pandemic.

Kung ang lahat ng ito ay may katotohanan at may basehan, sino nga kaya ang may pananagutan kung ito man ay hindi alam ng gobernador?

At malamang na nagulat si Gov. Daniel bakit nagkaroon ng ganitong pangyayari na sobrang mahal na halaga ng manok.  
Sana magkaroon ng masusing imbestigasyon si Gov. Daniel sa mga pangyayari na himala sa departamento na nakakasaklaw sa pagbili ng pang-ayuda para sa mahihirap na mamamayang Bulakenyo.

Nagtatanong lang po? (RONDA BALITA Online)   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here