Home National News P170,000 at motorsiklo natangay sa bahay ng negosyante sa Batangas

P170,000 at motorsiklo natangay sa bahay ng negosyante sa Batangas

1926
0
SHARE

ROSARIO, Batangas — Isang negosyante ang pormal na dumulog sa tanggapan ng pulisya dito sa nasabing bayan upang ipagbigay-alam ang pagkawala ng kanyang motorsiklo na Suzuki Raider na kulay asul at halagang P170,000 noong Martes ng gabi.

Ayon sa biktima na si Reynaldo Dimalibot Jr., 62 anyos, tubong Gloria, Mindoro at kasalukuyang residente ng Brgy. Salao, sa nasabing bayan, bandang alas-10:50 ng gabi habang siya ay namamahinga sa loob ng kanyang bahay ay pinasok ng suspek na nakilalang si John Anthony Fernandez ang kanyang garahe at kinuha ang nabanggit na motorsiklo at ang naturang halaga na nasa loob ng drawer ng Isuzu Sportivo.

Agad umanong tumakas ang suspek na si Fernandez dala ang menor-de- edad na anak patungo sa hindi matukoy na direksyon.

Nagsasagawa naman ng follow up operation ang mga otoridad para sa agarang pagdakip sa suspek. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here