Home News Report P2.1 milyong halaga ng shabu nasabat sa Caloocan City

P2.1 milyong halaga ng shabu nasabat sa Caloocan City

124
0
SHARE

CALOOCAN CITY — Nasamsam ang higit dalawang milyon pisong halaga ng hinihinalang shabu sa magkasunod na drug buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pamumuno ni Nothern Police District Director Police Chief Supt. Gregorio N. Lim at sa ilalim ng direktiba ni NCRPO Chief Police Supt. Guillermo T. Eleazar.

Unang nasakote dakong alas-11:30 ng gabi nitong Martes ang apat na suspek na sina Ivy De Luna, Eligio Ramos, Danica Dionisio, at Ermin Panganiban. pawang mga residente ng nasabing lungsod.

Base sa report ng Caloocan City Police Station nakabili ng isang plastic sachet ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa apat na suspek ng halagang P600.00.

Makaraang magpositibo ang test-buy ay agad na inaresto ang 4 na suspek at nakumpiska sa mga ito ang 17 piraso ng heat sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 100 grams at may street value na P700,000.

Sumunod na inaresto ang suspek na si Jerome Gaje, alyas Kalbo sa P. Burgos St., Pasay City dakong 12:10 ng madaling araw ng Miyerkules sa isinagawang follow-up operation matapos ituro ni Ivy De Luna bilang kanyang supplier.

Nasamsam kay Gaje ang 150 grams ng ilegal droga na nagkakahalaga ng street value na P1,400.000.

Kakasuhan ang mga nahuling suspek ng paglabag sa Violation of sec 5 at 11 ng RA 9165. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here