P200k shabu nakumpiska sa isang HVT sa Bacolor

0
220
Ang nadakip na drug suspect na si Jervy Napao (gitna) itinuturing na high-value target sa bayan ng Bacolor. (Kuha ni Jose Erwin Bunag)

CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga — Isang itinuturing na high-value target ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Bacolor kamakailan.

Ang mga nasamsam na shabu at marked money makaraang magsagawa ng buy bust operation sa bayan ng Bacolor.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Jervy Napao, 32 taong gulang at residente ng Brgy. Dolores, City of San Fernando, Pampanga.

Ayon sa hepe ng Bacolor Police na si P/Maj. Louie Gonzaga, nagpositibo sa kanilang isinagawang surveilance ang suspect na talamak ang pagbebenta ng iligal na droga.

Nang kanilang makumpirma ay agad nilang ikinasa ang isang operasyon hanggang sa masakote ang naturang drug suspect.

Ani Gonzaga, notoryus ang suspect dahil sa dami nang kumukuha sa kanya ng iligal na droga.

Dati na rin nakulong ang suspect na may kaugnayan sa droga.

Sa kasalukuyan ay nakadetine ang suspect sa Bacolor Detention Facility at mahaharap ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 of RA 9165. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here