P212 milyon ‘ayuda’ sa mga Malolenyong apektado ng ECQ, inihahanda na

0
477

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Ihinahahanda na ng City Social Welfare Development Office (CSWDO) ang mga forms na ibaba sa mga punong barangay para sa mahigit na 212 milyong pisong ayuda ng national government sa mga apektadong residente ng ECQ.    

Sa inilabas na panuntunan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development, ang mga apektadong residente ng pagpapatupad ng ECQ sa NCR + Bubble ay makakatanggap ng isang libong piso kada indibidwal, ngunit hindi hihigit sa apat na libong piso kada pamilyang tulong pinansyal mula sa pamahalaan.

Sa 283,000 kasalukuyang populasyon ng Lungsod ng Malolos, tinukoy mula sa listahan ng DSWD na ang mga makakatanggap ng tulong pinansyal ay ang mga benepisyaryo ng SAP 1, SAP 2, Bayanihan 2, mga kasama sa waitlisted, mga PWDs at solo parents.  Ang listahang ito ay alinsunod na din sa mandato mula sa DILG.

Nagbigay naman ng direktiba ang Punong Lungsod sa City Information and Technology Office ukol sa paggawa ng database upang maiwasan ang duplicate entries ng mga beneficiaries sa listahan. (RONDA BALITA Online)

Previous article77 preso sa Bataan Provincial Jail positibo sa COVID-19
Next articleTotal Lockdown sa munisipyo ng Angat, ipatutupad!
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here