Home National News P3.3 milyong halaga ng shabu nasabat sa Cavite

P3.3 milyong halaga ng shabu nasabat sa Cavite

374
0
SHARE

DASMARINAS CITY, Cavite — Arestado ang dalawang babae matapos maglatag ng drug buy bust operation ang mga pinagsanib na elemento ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Branch (PIB) at Dasmarinas City PNP dakong alas-4:30 ng hapon nitong 7Linggo sa Blk 49, Lot 11, Waling- Waling St., Brgy. Datu Esmael sa nasabing lungsod.

Nakilala ang mga nadakip na suspek na sina Jamila Sultan Alonto, alyas Gemma Jose at isang Lanie Jarique Garcia.

Base sa report na ipinadala ni Cavite acting Provincial Police Director Police Senior Supt. William M. Segun kay Calabarzon Regional Director Police Chief Supt. Edward Carranza nadakip ang dalawang suspek matapos itimbre ng isang impormante na kinausap ng isang inmate na si alyas Lucas na kasalukuyang nakakulong sa Bacoor City Jail para maghanap ng pagbebentahan umano ang mga illegal na droga na kasabwat ng dalawang suspek.

Mabilis na ikinasa ang nasabing operasyon laban sa mga suspek at ng magpositibo ay agad inaresto ang mga ito at nasabat ang tatlong big plastic sachet na may laman ng hinihinalang shabu na may timbang na 450 grams at may street value na P3.300,000 at pitong (7) bundle ng P1,000.00 na ginamit na buy bust money.

Dinala na ang mga suspek sa Cavite Police Provincial Office sa Camp Pantaleon Garcia habang ang mga nakuhang ebidensya ay idiniretso na sa Crime Laboratory Office.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Violation of Sec 5, 11 at 26 ng RA 9165. (RONDA balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here