Home National News P3.4 milyon halaga ng shabu, timbog sa Pasay

P3.4 milyon halaga ng shabu, timbog sa Pasay

14
0
SHARE

PASAY CITY — Nalaglag sa kamay ng mga operatiba ng pinagsanib na elemento ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA), North District Regional Office-National Capital Region (RO-NCR) at ng Pasay City police ang 4 na katao kabilang ang dalawang magkapatid na nagbebenta ng iligal na droga nung Lunes ng tanghali (Nov. 5) sa Pasay Blvd., Barangay 128 sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ni Special Investigator 2 Fredie Banagao ang tatlong suspek na sina John Michael Laureta at kapatid nitong si Mark Zander, Bryan Villabriga at Aldrin Balba.

Base sa report ng PDEA North District Office kay Director Aaron Aquino nadakip ang mga suspek matapos bentahan ng mga ito ng halagang P700,000 na iligal na droga ang isang undercover agent at ng magpositibo ang bentahan ng droga ay agad inaresto ang apat.

Nabawi sa mga suspek ang 5 pirasong knot tied transparent plastic tube na may lamang hinihinalang shabu na may timbang na 500 grams at may street market value na P3,400.000.

Nakakulong ngayon ang apat na suspek sa PDEA North District Office at sasampahan ng kasong paglabag sa Violation of Sec. 5 ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article59-anyos na lalaki sa Ilocos Norte nagbigti, patay
Next articleArtistang si ‘Bangkay’ nagbigti sa resort sa Quezon
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here