Home National News P30-milyong halaga ng shabu nalaglag mula sa kisame sa bahay ng drug...

P30-milyong halaga ng shabu nalaglag mula sa kisame sa bahay ng drug lord

536
0
SHARE

NASAMSAM ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEA) ang mahigit P30 milyong halaga ng shabu sa isang abandonadong bahay ng nakadetineng Chinese drug suspect na si Yiye Chen sa Angeles, Pampanga Martes ng umaga.

Base sa ulat, natagpuan ng PDEA Special Enforcement Service sa pamumuno ni Director Levi Ortiz ang naturang iligal na droga makaraang isagawa ang isang ocular inspection sa bahay ng nasabing drug lord sa Brgy. Malabañas bandang alas-10:30 ng umaga.

Sa kasagsagan ng isinagawang inspeksyon, pinukpok ng mga ahente ng PDEA ang kisame ng naturang abandonadong bahay hanggang sa may mahulog na puting kemikal.

Dito na naghinala ang mga operatiba ng PDEA ng maupo sa nahulog na puting kemikal ang kasamang K9 dogs at narekober ang 5 kilong shabu mula sa kisame.

“Mabuti nakuha ito kasi baka maibalik sa streets at maibenta pa, at least ngayon nasa custody PDEA,” ani Ortiz.

Agosto nung nakaraang taon ng maaresto ng PDEA si Chen at nakuhanan ng 36.58 kilo ng shabu na aabot sa halagang P100 milyon sa isinagawang raid sa bahay nito sa Angeles.

Maliban sa iligal na droga, narekober din ng mga operatiba ang freezer, a duffle bag, strips of aluminum foil, a vacuum pump and weighing scales.

Ang nabanggit na suspek diumano’y miyembro ng transnational drug trafficking organization.

SHARE
Previous articleDOST looks for investors of PH-made Monorail
Next articleMayor Joni Villanueva-Tugna: ‘Ang Paglalayag’ 
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here