P300 milyong pekeng goods galing China, nakumpiska ng Customs

0
427

AABOT sa halagang P300 milyon na mga pekeng goods ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) matapos na magsagawa ng sopresang pagsalakay ang mga ito sa tatlong warehouse sa lugar nang Manila at Quezon City kamakalawa ng umaga.

Ayon kay BOC Chief, Isidro Lapeña nasamsam nila ang mga pekeng produkto sa mga warehouse sa mga lugar ng Ventura and Kanlaon streets sa lungsod Quezon at Blumentritt naman sa lungsod ng Maynila.

Dagdag pa ni Lapeña na hindi aniya nasayang ang kanilang dalawang buwan na surveillance kong saan nagbunga ito ng magandang resulta sa pagkakakumpiska ng mga pekeng mga goods.

Nabatid na ang mga nasabing bodega o warehouse ay pag-aari umano ng isang Erlinda Rico na gumagamit nang ibang ibang pangalan gaya ng pangalang Linda Chua.

Ilan sa mga nakumpiskang mga pekeng produkto ay ang mga branded cigarettes, bath soap at food seasonings na lahat ay galing umano sa bansang China.

Napag-alaman din sa tanggapan ni Lapena na ang nasabing mga bodega ni Chua ay may limang taon nang nag-ooperate sa bansa na kong bakit hindi aniya ito ipinasalakay ng ilang mga nagdaang namumuno ng naturang kagawaran na ngayon lamang ito nabisto sa panahon na ni Lapena.

Samantala. nakatakda naman ng kasuhan ni Lapeña ng kaukulang kaso ang may-ari ng warehouse na si Gng. Linda Chua.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here