Home National News P4 bilyong halaga ng shabu equipment at chemicals, nasabat sa Ortigas

P4 bilyong halaga ng shabu equipment at chemicals, nasabat sa Ortigas

8
0
SHARE

MANDALUYONG CITY — Nasabat ng mga pulis ang mahigit sa P4 bilyong halaga ng mga kagamitan at sangkap sa umano’y paggawa ng shabu sa isang parking lot sa Ortigas sa nasabing lungsod nu’ng Huwebes (Nov. 29).

Kasama rito ang 26 na sako ng ephedrine, mga bote ng acetone, flask, strainer, at planggana.

Nahuli rin ang isang Koreano na siyang sinasabing chemist ng grupo. Timbog din ang isang Filipino-Chinese na may kinalaman umano sa operasyon.

Ayon sa pulisya, bago natunton ang van, nagkaroon muna ng 2 buy-bust operation noong Miyerkoles.

Narekober din ng mga pulis ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P3.7 milyon.

“The follow-up investigation that we will be conducting is saan ba galing ito at meron ba silang pinaggalingang clandestine laboratory,” ani National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar.

“What we have at the moment is i-check kung bakit nasa van siya,” dagdag pa ni Eleazar.

Patuloy ang imbentaryo ng mga pulis sa mga kagamitan. Ikukulong naman sa Northern Police District ang mga suspek.

Source: ABS-CBN.news

SHARE
Previous articleEmpleyado ng Sariaya Municipal Hall pumalag sa holdap, kritikal
Next articleP1M reward for Subic businessman’s killer
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here