Home Editorial P400M ghost projects ng DPWH dapat imbestigahan

P400M ghost projects ng DPWH dapat imbestigahan

201
0
SHARE

NANGANGAILANGAN ng malalimang imbestigasyon upang matukoy ang dapat sampahan ng kaso sa P400 milyong ghost projects sa Lubang Island.

Naniniwala si Sen. Joseph Victor ‘JV’ Ejercito na dapat nang gumawa ng kaukulang hakbang si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar at pagbatayan ang alegasyon ni Lubang, Occidental Mayor Roberto Sanchez.

“Secretary Villar should a thorough investigation on this. Malaking pera ang inilaan, kailangang malaman kung nagamit sa tama o hindi,­” pahayag ni Ejercito, vice chairman ng Senate committee on public works.

“Kung totoo, kailangang may managot, kailangang may makasuhan dito,” dagdag pa ni Ejercito.

Ayon sa senador, nasa kamay ng mga district engineer ang desisyon kung anong proyekto ang dapat gawin sa kanilang nasasakupan.

Ang mga district engineer din aniya ang nakikipagkutsabahan sa ilang mga opisyal ng lokal na pamahalaan gayundin ang mga nasa Commission on Audit (COA) para palabasin na maayos ang pagpapatupad ng mga proyekto kahit na hindi naman ito totoo.

Puwedeng dayain ‘yan, sasabihing kumpleto o tapos na pero hindi naman or maaari partial lang ang pagkakagawa ng mga projects,” ani pa ng senador.

Kung mapapatunayan na may anomalya sa nasabing road projects ng DPWH sa Lubang Island, maaari aniyang makasuhan ng plunder ang mga opisyal na sangkot dito.

Kala ko ba galit ang Pangulong Rodrigo R. Duterte sa mga korup. Ah, ano pa ang ginagawa ni Sec. Villar?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here