P47.6 milyon shabu, nasabat sa big-time drug pusher sa Maynila

0
505

SAN ANDRES BUKID, Manila — Nasabat ang pitong kilong iligal na droga na hínihinalang shabu ng mga elemento ng Regional Drug Enforcement Unit ng NCRPO, Manila Police District Station 6, PDEA RO-NCR sa isinagawang drug buy bust operation laban sa nakilalang suspek na si Joshir Bernardo, alyas JS, 29-anyos, kasalukuyang residente ng Onyx St., San Andres Bukid Manila.

Base sa sa report na ipinadala ni Manila Police District (MPD) Director Police Chief Supt. Rolando B. Anduyan kay National Capital Region Police Office Police (NCRPO) Chief Supt. Guilermo Eleazar naaresto ang suspek nitong Huwebes matapos pagbilhan ang isang pulis poseur buyer ng isang plastic ng hinihinalang shabu na may timbang na isang kilo at may street value na P6,800,000 kapalit ang P1,000.00 na buy bust money at siyam na bundle ng P1,000.00 na boodle money.

Nang mag-positibo ang transaksyon ay agad dinakip ang suspek at nasamsam sa posisyon nito ang karagdagan na anim na big plastic packs na may lamang hinihinalang shabu na may market value na P40,800,000 at isang black samsung cellular phone , isang kulay gray Nissan Cefiro na may plakang XSA 507 na ginamit na pang deliver ng iligal na droga.

Sa panayam kay General Eleazar nalaman ang pagkakilanlan ni Bernardo matapos ituro ni Loloy Hernandez na isang inmate sa Taguig City Jail at sinasabing isa sa mga nagpapakalat ng iligal na droga sa buong Metro Manila at Calabarzon area. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here