Home National News P500K halaga ng shabu, nasabat sa Cavite; 2 ‘tulak’ arestado

P500K halaga ng shabu, nasabat sa Cavite; 2 ‘tulak’ arestado

57
0
SHARE

DASMARIÑAS CITY, Cavite — Arestado ang dalawang nagbebenta at nagtutulak ng iligal na droga sa isinagawang anti-illegal drug operation ng mga elemento ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) nitong Huwebes ng gabi sa Brgy. Datu Esmael sa naturang lungsod.

Kinilala ang mga suspek na sina Armida Romuga alyas Medang, 48-anyos, residente ng Blk.6 excess lot ng parehong lugar at si Joseph Villanueva, 32, residente ng excess lot Brgy. H2, Dasmariñas Cavite.

Ayon sa report na ipinadala ng Dasmariñas City PNP kay Cavite Police Provincial Director Police Senior Supt. William M. Segun, inilatag ang nasabing operasyon laban sa suspek na si Romuga at nakabili umano ng isang plastic sachet ng iligal na droga na halagang P500.00 ang isang under cover agent na pulis sa dalawang suspek at ng maiabot na ang biniling droga ay agad dinakip ang mga ito.

Nakumpiska sa mga supek ang isang knot tied plastic na may laman ng mga hinihinalang shabu at may timbang na 77 grams at may estimated market value na P523,000 at ang ginamit na marked money.

Pansamantalang nakadetine ngayon sa Dasmariñas Custodial Facility ang mga suspek at mahahaharap sa kaso ng paglabag sa Dangerous Drugs Act. RONDA Balita Online News

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here