Home National News P52 milyong halaga ng alahas, natangay ng 5 babae

P52 milyong halaga ng alahas, natangay ng 5 babae

24
0
SHARE

MANILA — Arestado ang limang babae na nagsabwatan para manakaw ang may P52 milyon halaga ng alahas mula sa tindahan ng kanilang employer sa may Arranque Market sa Sta. Cruz sa nasabing lungsod.

Kabilang sa sinampahan ng kasong falsification of documents at qualified theft, isang non-bailable sa Manila Prosecutors Office sina Fria Apostol, 39-anyos, ng Pasig City, Elinor Sibal, 37; Celia Paulino, 37, kapwa taga-Quezon City; Honey Lyn Gacosta, 30, at Aprilyn Sinugbuhan, 29, kapwa taga-Sta. Cruz, Maynila.

Nag-ugat ang pagkakaaresto ng lima sa reklamo ni Edwin Malibiran, 56, ng Deparo, Caloocan City, may-ari ng Edricka’s General Merchandise.

Sa reklamo ni Malibiran, nadiskubre niya matapos ang isinagawang quarterly inventory sa ibi­nebentang mga alahas sa kanyang jewelry store noong Marso 6 na nawawalan siya ng may 13,000 gramo ng iba’t ibang carat ng ginto na nagkakahalagang P27 milyon, iba’t ibang klase ng alahas na aabot sa P16 milyon at mga set ng alahas na nasa siyam na milyong piso.

Sa tulong ng dalawang appraisers, nagsagawa ang biktima ng final audit at physical inventory ng kanyang mga alahas at nakumpirma ang pagkawala ng malaking volume ng ginto.

Sa ginanap na komprontasyon, hindi maipaliwanag ng limang empleyado sa kanilang report ang ginawang actual na inventory.

Sinabi ni Malibiran na si Fria ang pinaka-guilty sa grupo dahil siya ang nagsasagawa ng inventory at responsable sa pagsusumite ng report kay Paulino.

Lumalabas na nagsasabwatan ang lima.

Source: Abante.Tonite

SHARE
Previous articleBangkay ng Pinoy lolo sa US, tinapon sa kanal
Next articleBuntis lumaklak ng pampalaglag, tigok!
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here