P6.5 milyong shabu nasabat sa Clark International Airport

0
187

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Aabot sa mahigit isang kilo o nagkakahaga ng P6.5 milyon na shabu na nakapaloob sa isang aquarium filter ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) mula sa isang shipment galing sa bansang Czech Republic at ipapadala sa isang Angelica Milan sa Quezon City kamakailan.

Ayon sa mga opisyal ng BOC, nadiskubre nila ang kontrabando ng dumaan ang kahon sa x-ray at makita ang kahina-hinalang laman nito na siya namang positibong inupuan ng kanilang sniffing dogs.

Inantay muna ng mga otoridad kung sino ang magki-claim ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin.

Sa hiwalay na shipment naman na galing Germany isang kahon na idineklarang nutrition supplement na may kalakip na Christmas greeting card ang nakitaan ng dalawang bote ng liquified marijuana.

Dahil kahinahinala ay binuksan nila ang package at tumambad sa kanila ang kontrabando at nai-turn over na rin ng BOC sa PDEA Region3. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here