P6.8 milyong halaga ng shabu, nasamsam sa Antipolo

0
192
Ang nadakip na suspek na si John Lennon Tadena alyas “Lin”, 23 anyos, na nakatira sa 357 B52 L21 Zontaville San Isidro, Antipolo City, Rizal.

ANTIPOLO CITY — Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office-National Capital Region, PDEA Rizal Provincial Office at Antipolo City police ang isang hinihinalang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Isidro, sa naturang lungsod nu’ng Huwebes ng gabi (June 25).

Kinilala ang suspek na si John Lennon Tadena alyas “Lin”, 23 anyos, na nakatira sa 357 B52 L21 Zontaville San Isidro, Antipolo City, Rizal.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad at nang magkasundo na ang operatiba at suspek na magkita sa harapan ng isang convenience store sa kahabaan ng NHA Avenue, Bagong Nayon II, Brgy. San Isidro, Antipolo City ay sinimulan nang magbentahan ng droga.

Nang makabili ang poseur buyer ng shabu sa suspek, agad na inaresto si Tadena at nakuha sa kaniya ang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P6,800,000 at tatlong sachets ng pinatuyong dahon ng Marijuana.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa suspek. (RONDA BALITA Online)

Previous articleMother, daughter tandem nabbed for selling drugs
Next article120 Bulakenyos receive assistive and medical devices
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here