P6 bilyon budget para sa 2021 inaprobahan ng Sangguniang Panlalawigan

0
59

INAPROBAHAN na kamakailan ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado ang panukalang taunang budget ng lalawigan na umabot sa P6 na bilyon.

Nagkaisa ang mga miyembro ng Sanggunian sa pamumuno ni presiding officer Vice Gov. Alvarado sa kabila ng pagkakaantala nito sanhi ng umiiral na epidemya sa ating bansa.

Pinagtibay naman ni Ma. Perpetua R. Santos, Kalihim ng Bulacan SP, ang panukalang taunang badyet para sa piskal na taon 2021 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, alinsunod sa Seksyon 318 ng RA-7150 na nagkakahalaga ng P6 bilyon.

Ang panukalang P6 bilyong taunang badyet ng PGB ay naaprubahan na may lubos na pagkakaisa na desisyon sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay ng mga miyembro ng Lupon na sina Allan P. Andan, Romina D. Fermin at Bernanrdo B. Ople Jr. ng First District; Ramon R. Posadas at Erlene Luz V. Dela Cruz, ng 2nd district; Romeo V. Castro Jr. at Emelita I. Viceo, ng 3rd district; Enrique A. Delos Santos Jr., Alexis C. Castro, at Allan Ray Baluyut, ng 4th district, at mga kasapi ng ex-officio na sina William R. Villarica, Ramilito B. Capistrano at Robert John Myron A. Nicolas.

Nabatid na ang SP ng Bulacan ay nagsimula sa kanilang marathon hearing mula 9:30 ng umaga hanggang 6:30 ng gabi noong Martes, Disyembre 15, 2020, at tinalakay ang panukalang P6 bilyong taunang badyet para sa PGB para sa taong 2021.

Sinabi ni Bise Gobernador Alvarado na ilang session na lamang ang natitira kaya’t nagpasya silang simulan ang marathon hearing na umabot sa apat na araw na may mahigpit na pagpapatupad ng social distancing na ordinansa.

Sinabi ni Alvarado na ang paghahanda sa badyet para sa susunod na taon ay medyo naantala dahil sa ilang mga paghihigpit dahil sa pandemya.

Pinasalamatan ni Alvarado ang lahat ng mga department head ng Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang kooperasyon na malinaw na naipaliwanag ang kanilang nakahandang iminungkahing alokasyon sa ilalim ng P6-bilyong badyet na naging daan upang maaprubahan sa una, ika-2, at ika-3 na pagbasa.

Naniniwala si Alvarado  na ang naaprubahang taunang badyet ng PGB ay magdudulot ng pag-unlad sa buong probinsya at maaaring makatulong sa mga Bulakenyo lalo na sa mga nangangailangan.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita, ang Lingguhang Pahayagan ng masang Bulakenyo.

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!  

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917-205 -3350. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here