Home News Report P74.8-M halaga ng shabu nasabat sa Parañaque, Cavite

P74.8-M halaga ng shabu nasabat sa Parañaque, Cavite

415
0
SHARE

TINATAYANG aabot sa P74.8 milyong halaga nang illegal na droga ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na operation sa Parañaque at Cavite at pagkakaaresto sa apat na suspek.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Melchor Robelles Corocoto, 29-anyos, William Ibanez, Dolores Dela Cruz Lintag, 51 at Roberts Andrada.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Dolores Lintag, 51-anyos; Melchor Corocoto, 29; Daniel Andrada, 21 at William Ibanez Dela Piza nasa hustong gulang.

Nadakip ang apat na suspek sa aktong tinatanggap ang mga kontrabando na naka-consign sa mga pangalang Arthur Santiago, Mariloy Fabi Mendez at Mark Fojas.

Base sa report ni PDEA RO-NCR Director III Ismael Fajardo Jr., kay PDEA Director Aaron Aquino nakumpiska sa San Martin de Porres, Parañaque ang isang box na may lamang 2 large vacuum tin foil ng hinihinalang shabu na may timbang 6.5 kilo at may P44,200.000 market value na idineklarang naglalaman ng grill pan at stool bar at nasakote sina Corocoto at Lintag.

Narekober naman kay Dela Cruz at Dela Pizza sa San Nicolas, Bacoor Cavite ang isang box na may lamang piano chair at mga hinihinalang shabu na may bigat na 4.5 kilo at may halagang P30,600,000 ang market value.

Samantala, pinuri naman ni Customs Commissioner Isidro Lapeña si District Collector Lilibeth Sandag ng Port of Clark dahil sa maigting na pagmamatyag sa mga sangkot sa illegal na aktibidad.

Nabatid na nagpapalabas ng warrant of seizure and detention ang Office of the District Collector ng Port of Clark para sa pagkakakumpiska ng kontrabando na paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act at Section 5, Article II ng RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kaugnay na balita, ibinida naman ni Aquino ang mga makabagong armas at kagamitan sa kanilang ahensya na siyang nakatulong sa pagpapaigting ng kanilang mga operasyon. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here