Home National News P1M alok na pabuya sa killers ni ‘Kap. Lupa’ ng Baliwag

P1M alok na pabuya sa killers ni ‘Kap. Lupa’ ng Baliwag

2423
0
SHARE

BALIWAG, Bulacan — Mula P300,000 libo, umabot na ng isang milyong piso (P1 million) ang alok na pabuya ni Mayor Ferdie V. Estrella para sa makapagtuturo sa mga taong nasa likod ng pagpasalang sa kapitan ng Brgy. San Jose, Baliwag, Bulacan na si Kap. Ronaldo “Lupa” Rivera.

Ayon sa official Facebook post ni Mayor Ferdie, labis niyang ikinalulungkot ang biglaang pagpanaw ng kaniyang malapit na kaibigan, kumpare at kapwa lingkod-bayan na kaniyang katuwang sa pagbibigay ng “Serbisyong May Malasakit” para sa lahat ng mga Baliwagenyos.

Dagdag pa ng punongbayan, hindi niya hahayaang mamayani ang kultura ng karahasan sa Baliwag, kaya naman gagamitin ang buong pwersa at lakas ng lokal na pamahalaan upang mabigyan ng katarungan ang sinapit ni Kap. Lupa.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Baliwag police, nakatakda sanang maghatid ng buhangin sa tahanan ni Kap. Ariel Cabingao sa Brgy. Tarcan si Kap Lupa, nang siya ay tinambangan ng dalawang armadong lalaki at walang walang habas na pinagbababaril sa loob ng kaniyang truck. Nagtamo ng apat na tama ng bala sa katawan ang kapitan na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga malalapit na kaibigan at mga Baliwagenyos na nakakakilala kay Kap. Rivera.

Ayon sa kanila, bagamat nasa kaniyang huling termino na ay tunay na maaasahan at isang napakabuting lingkod-bayan ang yumaong kapitan.

Nakatakda sanang magdiwang si Kap. Rivera ng kaniyang ika-49 na kaarawan ngayong ika-15 ng Setyembre. Dahil din sa insidente, kaniyang naiwan ang kaniyang asawa na si Kapitana Imelda Rivera at dalawang anak na sina Ron at Sunshine.

Source: Baliwagnews

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here