Home Simple Lang Paano ba natin kikilatisin ang mga kandidato na ating iboboto?

Paano ba natin kikilatisin ang mga kandidato na ating iboboto?

13
0
SHARE

BUHAY na buhay pa rin kapag panahon ng halalan dito sa ating bansa ang diwa ng kasabihan “Sa larangan ng pulitika ay walang pirmihang kaaway at walang pirmihang kaibigan dahil personal na interes lamang ng isang kandidato ang pagpasok niya sa pulitika.”

Sa ating bansa lamang yata nangyayari na halos mga magkakamag-anak na ang pumapasok sa pulitika. Mayroon diyan na mag-asawa, mag-ama, mag-ina, magkapatid, at magpinsan, at kung minsan may mga pagkakataon pa na sila sila na rin ang naglalaban para sa isang posisyon.

Ilan na nga ba sa ating mga magagaling na senador ang may mga anak na kung hindi kongresista, eh tiyak na alkalde ng isang bayan sa kani- kanilang mga probinsya. Kaya nga ang sabi ng ilang mga botante, eh para daw nagiging family business na ng mga magkakamag-anak na pulitiko ang pagpasok sa pulitika; At huwag na rin tayong magtaka kung bakit hanggang sa ngayon, eh hindi maisulong-sulong ng kongresso ang anti-political dynasty law dahil marami sa kanila ang masasagasaan kapg naging batas na ito.

Mahirap ang mag-ambisyon na pumasok sa pulitika lalo na kung wala ka namang perang pang-arya na gagastusin sa pangangampanya, dahil sa lahat yata ng mga propesyon ang pulitika sa ating bansa ang masasabi nating pinakamagastos; At bakit daw kailangan mo pang gumastos na malaki para lamang paglingkuran ang iyong mga kababayan?

Iba na kasi ang sistema ng pulitika ngayon sa ating bansa, hindi katulad noong araw dahil ngayon ay hindi na pinag-uusapan kung ano ang magagawa mo sa bayan bilang isang public servant, kundi kung hanggang saan ang itatagal ng pera mo sa mga gastusin sa panahon ng kampanyahan.

Ang isa pang katawa-tawa pa sa ating pulitika, bakit ‘yung mga convicted criminal, na komo naka-apela ang kanilang mga kaso, kahit na nakakulong pa, eh puwede pa ring kumandidato at nakapagtataka naman kung bakit nananalo. Sa Pilipinas lamang yata nangyayari ang ganito.

Hindi ba’t nangyayari naman talaga ito sa kalakaran ng ating pulitika sa bansa, at ‘yan ay hindi maikakaila sa mga mapanuring mata ng milyong bilang ng mga botanteng Pilipino…ang bulok na sistema ng Pulitikang Pinoy.

Kunsabagay hindi naman lahat ng pumapasok sa pulitika ay may personal na interes, dahil marami pa rin naman sa kanila na ang ambisyon ay talagang makatulong at makapaglingkod lamang sa kanyang kapwa.

Kaya nga kung kayo ay mga pulitiko na may mabubuting kalooban at may malinis hangarin na paglingkuran ang bayan at ang inyong kapwa, tiyak na pagpapalain kayo ng kaitaasan.

May the best candidates win in this coming mid-term elections. GOD Bless and more power sa inyong lahat..

SHARE
Previous articleTama ang naging desisyon ni Bokal Ayee Ople, kaya lang…
Next article3 slain, 56 arrested in 24-hour Bulacan anti-criminality drive
DAISY Medina Fischer known as “Daisy Medina” in her pen name was a graduate of Secretarial courses at the former Gregg Business College. Previously she work in to two well known foreign private insurance company, as one of the department head, until she challenges herself and joined in the media industry to practice her talent in news writing as provincial correspondent of the four national daily tabloid newspaper known as Debate, Text Balita, Police Files Tonight and HATAW sa Balita. Presently she managed a family business.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here