Home El Tirador Paano masasawata ang illegal gambling sa bansa?

Paano masasawata ang illegal gambling sa bansa?

197
0
SHARE
An opinion column of Roberto Illut

TILA wala ng ngipin ang ibinabang direktiba ni Pangulong Rodrigo R. Duterte laban sa iligal na sugal sa buong bansa kung saan nilagdaan nito ang Executive Order (EO) No. 13 na sinasabing sisindak daw sa ating mga kababayan, lalung lalo na sa mga nagugumon sa bisyo ng pagsusugal.

Mahigpit na ipinag-uutos sa ilalim ng naturang kautusan ng Punong Ehekutibo ang umano’y walang humpay na pakikidigma laban sa illegal gambling sa iba’t ibang panig ng bansa at may kaakibat itong parusa sa mga pasaway na lalabag sa nasabing direktiba.

May patutsada pa nga dati na dapat lamang daw na katakutan ng mga sugarol ang naturang EO dahil iniatang sa Philippine National Police (PNP) at sa National Bureau of Investigation (NBI) ang implementasyon ng EO No. 13 para masugpo ang iba’t ibang uri ng iligal na sugal sa bansa.

Pero ang tanong, naging epektibo nga ba ang pagpapatupad ng EO No. 13 dahil sa obserbasyon ng nakararami eh, wala namang nangyayari diba mga kalahi. Bakit kaya hindi talas-talasan ng mga nasabing otoridad ang kanilang antenna sa pagtukoy kung saan-saang mga lugar laganap ang mga iligal na sugal sa iba’t ibang lugar sa mga lalawigan at lungsod gaya na lamang sa mga lugar ng BULACAN, NUEVA ECIJA, TARLAC at PAMPANGA sa Central Luzon at sa CAVITE, LAGUNA, BATANGAS AT RIZAL na sakop naman ng Calabarzon.

Mayroon pa nga bang susugpuing illegal gambling eh.. Hindi ba ang mga iligal na sugal ay ginawa nang legal?

Para sa inyong kapabatiran ay ang illegal numbers game na jueteng, halimbawa, ay mistulang ginawang legal sa pagpapairal ng STL (Small Town Lottery), samantalang ang ‘masiao’ naman na laganap sa Visayas at ‘last 2’ na kinahuhumalingan naman sa Mindanao ay mistulang sinagip na rin ng STL. Pati ang mga ilegal na gawain ng mga kubrador ay bahagi na ngayon ng mahihigpit na regulasyon na ipinatutupad ng STL.

Maging ang mga PERYAHAN na may mga ilegal na pasugalan na gaya na lamang ng COLOR GAMES, VETO at DROP BALLS na hayagan namang idinadaos sa mga nabangggit na mga lalawigan at lugar ay mistulang ginawa ng legal ng ilang pamunuan ng tiwaling mga barangay at police opisyal na nagbibigay permiso sa nasabing mga sugal. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here