Home Senyor Latigo Pabahay para sa mga sundalo at kapulisan, gusto na namang okupahan ng...

Pabahay para sa mga sundalo at kapulisan, gusto na namang okupahan ng Kadamay

155
0
SHARE
Opinion Column by Archie Jimenez

PINAGTANGKAAN na namang okupahan ng grupong Kadamay ang pabahay na nakalaan para sa ating mga kasundaluhan at kapulisan sa bayan ng Rodriguez kamailan.

Nagulantang ang mga residente ng Rodriguez matapos na makita nilang humugos ang grupo ng kadamay sa kanilang lugar.

Sa pag-aalalang baka pati ang kanilang mga tinitirahang bahay ay okupahan ng grupong kadamay ay nagawa ng mga lehitimong residente na magbarikada at humawak ng mga gamit na panlaban sakaling magtangka nga ang mga ito na pasukin ang kanilang mga kabahayan.

Marami na ang nakakapuna sa hindi maganda at hayagang pang-aabuso ng grupong kadamay sakanilang ginagawang sapilitang mga pag-okupa sa mga proyektong pabahay ng ating Gobyerno.

Ang reaksiyon ng ng ating mga kababayan sa mga inaasal nitong grupo ng kadamay ay masyado na raw inaabuso ng mga ito ang kabaitan ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Inaabuso diumano ng grupong ito ang pagiging makamahirap ng ating Pangulo.

Dahil alam nilang hindi pahihintulutan ng Pangulo na sila ay salingin man lang ng mga awtoridad sa mga ginagawa nilang illegal na pag-okupa sa mga pabahay ng Gobyerno na hindi naman talaga nakalaan sa kanila.
Pinagbigyan na ng Pangulong Duterte ang grupo ng kadamay doon sa una nilang ginawang illegal na pag – okupa sa mga pabahay ng gobyerno na nakalaan sana sa mga kasundaluhan at kapulisan.

Nagawa pa ngang pakiusapan ng Pangulo ang ating mga kasundaluhan at kapulisan na hayaan na lang ang grupo ng kadamay na okupahan ang mga pabahay na nakalaan sana sa kanila.

Kasi ayon sa Pangulong Duterte ay mahihirap at talagang lumalaban pa ang mga ito.

Kaya para walang gulo ay ibigay na nga lang sa grupong kadamay ang pinaghirapan at pinagkagastusan ng ating gobyernong pabahay na dapat ay nakalaan nga sa ating mga kasundaluhan at mga kapulisan.

Na ang mga pabahay na ipinagkakaloob ng ating Gobyerno ay hindi po ito totally ay libre.

Ang mga nabibiyayaan o nabibigyan ng award para umokopa sa pabahay ng Gobyerno ay mayroon pa ring tungkulin na babayaran.

Dahil ayon sa pamunuan ng NHA o National Housing Authority ay saan nila kukunin at papaano pa silang makakapagpagawa pa ng mga pabahay kung ang lahat ng kanilang ipamamahagi ay pawang libre?

Ang kabayaran namang kinukuha ng ating Gobyerno sa mga mapapalad na nabiyayaan ng pabahay ay sa murang halaga at naaayon sa kanilang kapasidad at kakayahan.

Pero itong grupo ng kadamay ang gusto ay libreng lahat ang kanilang ookupahang bahay na may libre na ring kuryente at tubig.
Na napaka-imposible namang mangyari base sa naging pahayag ng pamunuan ng NHA.

Marami sa ating mga kababayan na mga overseas Filipino workers ang nagsipag-react sa mga isinasagawang sapilitang pag-okupa ng grupong kadamay sa mga pabahay ng ating Gobyerno.

Ayon sa kanilang mga naging pahayag ay mas may karapatan silang mga OFW na humiling o magdemand para magkaroon ng kanilang sariling mga bahay sa kadahilanang sila ay nagbabayad ng buwis sa ating gobyerno.

Samantalang ito umanong grupo ng kadamay ay hindi nagsisipagbayad ng buwis sa ating gobyerno.

Marami umano tayong mga kababayang mahihirap na mas mahirap pa sa mga bumubuo ng grupong kadamay ang masasabing mas may mga prinsipyo at talagang nagsisikap na magkaroon ng kani-kanilang sariling bahay ng hindi umaasa sa tulong ng ating gobyerno.

Pero itong grupo ng kadamay ay ASA na lang lahat sa gobyerno pero ayaw namang managot sa kanilang mga magiging responsibilidad.

Katulad na nga lang nang nangyari sa sapilitan nilang inokupahang pabahay sa Pandi, Bulacan, ng ipaliwanag sa kanila ng pamunuan ng NHA na mayroon silang dapat na pirmahan at ipinaliwanag sa kanilang may obligasyon silang dapat na tungkulin ay ipinagwalangbahala nila ito at ipinagpilitang iyon daw ay binigay na ng ating Pangulo sa kanila,kaya wala na umano silang dapat bayaran at bagkus ang dapat ay bigyan na sila ng tubig at kuryente.

O di ba? Ganyan ang mga baluktot na pangangatwiran ng namumuno ng grupong kadamay.

Samantalang kung uuriin mo ang kalagayan ng kanilang kinikilalang Chairman o namumuno ay hindi mo na ito mapapaniwalaan sa kanyang mga panghihikayat.

Maganda ang kanyang mga naging pahayag noong makapanayam siya ng kilala at malalaking TV Station na totoong may mga anak na siyang mga propesyunal at nagtatrabaho sa ibang bansa! Ito ay dahil umano sa isinagawa niyang mga pagsisikap para lamang maitaguyod at mapagtapos ang kanyang mga anak! (maganda di ba? ulirang Ina).

Ang siste ay hindi niya ipinaalam na mayroon pala kunong itong pag aari na malaking bahay na nagkakahalaga umano ng mahigit sa P10,000,000.

Ang tanong nga nang ating mga kababayang naiirita na sa mga inaarte diumano nitong namumuno ng grupong kadamay saan daw nanggaling ang napakalaking halaga na ipinampagawa ng kanyang malaking bahay?

Unti-unti ay nagkakaroon na ng kasagutan ang mga katanungang iyan, kahit na hindi pa o hindi na sumagot ang kanilang lider.

Ito ay matapos na humigit kumulang sa tatlong (3) daang aktibong miyembro ng kadamay ang kusang tumiwalag sa kanilang grupo dahil sa hindi na umano nila kaya pa ang mga ipinagagawa sa kanila ng kanilang lider.

Una ay yong sapilitang pagpapasama sa kanila sa isinasagawa nilang mga pagrarally at kilos protesta! Na kapag hindi ka umano sumama ay hindi ka magkakaroon ng bahay na siyang ipinanghihikayat sa kanila.

At ang ikalawa ay yong sapilitang pinagbabayad pa diumano sila ng halagang P400 bawat pagsama nila sa mga pagrarally na ang pangakong kapalit ay ang pagkakaroon ng sariling bahay, na hanggang sa magdesisyon silang tumiwalag ay hindi sila nagkaroon ng pangakong bahay.

Sa mga pangyayaring ito ay hindi malayong marami pa ang mahihimasmasan at mabubuksan ang mga isipan ng mga miyembro ng grupong kadamay ang magkukusa na ring tumiwalag.

Lalo pa nga’t sumambulat at ibinulgar na ng mga tumiwalag na 300 members ng kadamay ang talagang ipinaiiral na patakaran ng pamunuan ng grupong ito sa kanilang mga miyembro! (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleMalakas ang dating ni Bong Go sa masa
Next article3 killed, 11 arrested in Bulacan police drug sting
Hard-hitting broadcaster/columnist Archie Lorenzo Jimenez, of Plaridel, Bulacan was a Masscom graduate major in Broadcasting at Centro Escolar University. He worked in several radio stations as broadcaster, DZME1530, DWAN 1206, DZXQ 1350, DWGV 792, DZRM 1242 and DWDD AFP. A former Editor-in-Chief of Bulacan newspaper namely TUDLA, and had a brief stint as columnist of CMT UPDATES and Bulacan Catcher. He is now RONDA Balita’s whipping columnist.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here