Pabahay para sa Pamilyang Malolenyo

1
261

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Bilang bahagi ng Rehabilitation and Recovery Plan 2021 ng Pamahalaang Panlungsod ay ang pagpapatayo ng Housing Project na inaasahang makapagbibigay ng tahanan mga Malolenyo.

Sa isinagawang pagpupulong sa pagitan ng Punong Lungsod Bebong Gatchalian at mga Punong Barangay, ang naturang housing project umano ay nakatuon sa may 3,300 pamilyang Malolenyo na walang sariling tahanan.

Iprinisinta ni Mayor Gilbert Gatchalian ang nasabing plano na siyang sama-samang pagsusumikapan ng Pamahalaang Panlungsod at ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Noel Len Pineda at mga kasangguni at ng National Housing Authority (NHA).

Sa ngayon ay patuloy sa paghahanap ng lupa ang Pamahalaang Panlungsod para sa nasabing proyekto.

Gayundin, inihayag ng Punong Lungsod sa naturang pagpupulong ang paghahanda ng ayuda para sa lahat ng households sa lungsod na inaasahang darating sa susunod na linggo.

Source: City Councilor Niño Bautista FP account

1 COMMENT

  1. Ano mga requirements para makapag apply sa isa sa mga kwalipikado na mabigyan ng pabahay galing sa pamahalaang panglunsod? Sana din ay maging patas ang pagbibigay ng nasabing slot sa mga nararapat o homeless. Salamat po

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here