Pabahay sa Bayan ng Pulilan, isasakatuparan na!

0
157
An opinion column by Louie C. Angeles

MALAKING tulong sa mga mamamayan ng Pulilan ang planong pagpapatayo ng pabahay para sa mga walang sariling tahanan na Pulilenyo na ang tanging hangarin ng Pamahalaang Bayan ay mai-angat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Ayon kay Mayor Maria Ochoa-Montejo, sila ay pumasok sa isang kasunduan sa Department of Human Settlements and urban Development (DHUD) sa pagtatayo ng 20 condominium-type na bahay para sa kanilang mamamayan. Isa itong magandang proyekto ng pulilan upang mawakasan na ang problema ng 1,400 na pamilyang walang sariling bahay na nakatira sa gilid ng irrigation o patubig at gilid ng ilog.

Ang bawa’t Pulilenyo ay masuwerte dahil mapagkakalooban sila ng bahay na maghuhulog lamang ng P200 hanggang P300 kada buwan na aabot ng 30 taon.

Ito naturang pabahay ay tinaguriang MOM’S VILL  na may kabuuang halaga na P660 milyon mula sa DHUD. Napakagandang proyekto ito ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan para maiwasan na ang panganib sa buhay ng mga nakatira sa mababang lugar at sa mga ilog.

Hindi gawang biro ang pagtatayo ng pabahay kaya naman hanga ang STRIKER sa bayan ng Pulilan dahil sa magandang proyektong.

Bihira sa mga bayan ang may ganitong proyekto na pabahay. Dahil hindi ganun kadali na ipagpatayo ng bahay ang may mahigit isang libong pamilya sapagkat hindi lahat ng pamilyang mabibiyayaan ng bahay sy msy kay sa buhay.

Hangad lamang ni Mayor Maritz na mapagyaman ito at hindi matulad sa ilang propesyonal na squatter na ibinebenta lamang sa ibang tao ang kanilang bahay na pinagkakaloob ng gobyerno.

Hindi sana masayang ang pagsusumikap ni Mayor Maritz Ochoa-Montejo na mabigyan ng marangal na buhay ang pamilyang Pulilenyo na may sariling bahay na ipapamana sa kanilang mga anak. (RONDA BALITA Online) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here