Home EXTRAFONTS Pacific typhoon season

Pacific typhoon season

82
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

HALOS lahat ng bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ay nabuo sa Pacific Ocean, bagama’t hindi lahat ng bagyo ay nag-landfall sa kalupaan ng Pilipinas, partikular ang supertyphoon “Yolanda” na kumitil ng maraming buhay at nagwasak ng milyun-milyong halaga ng mga pananim at ari-arian.

Pero ang panahon naman ng supertyphoon ay nangyayari pagsapit ng ‘ber months’. Karamihan sa super-bagyo na nanalasa sa bansa ay natatapat ng nga buwan ng ber, na kung hindi ako nagkakamali ay isa ang bagyong “Yoling” na naitala na isa sa mga pinakamapaminsalang bagyo na tumama sa Pilipinas.

Natatandaan ko pa nang tumama sa Metro Manila at ilang bahagi ng Southern at Central Luzon ang bagyong “Yoling” na may taglay na lakas ng hangin na 205 kph at may bugsong 255 kph. Bata pa ako ng panahong iyon, pero nasaksihan ko kung paano ibuwal ng hangin ang mga punongkahoy at mga kabahayan sa aming lugar.

November 19, 1970 nang tumama sa lupa si “Yoling” at mula noon, hindi pa nakaranas ang mga Bulakenyo ng bagyo na may lakas na higit sa 200 kph, dahil kung magkakagayon, higit ang pinsalang matatamo kung ang bagyong gano’n kalakas ay tatama sa mga lugar na malaki ang populasyon.

Habang sinusulat ko ang kolum na ito ay kapapasok lang ng PAR ng bagyong si “Ompong” na halos kasing lakas ni “Yoling”. Sa kabutihang palad, hindi ito naglandas sa mga lugar na dinaanan ni “Yoling,”kaya libre na naman tayo sa hagupit ng malakas na bagyo.

Ang basehan sa kategoryang supertyphoon ay kailangang umabot sa 220 kph sustained winds ang taglay na hangin at gustiness na 270 kph, sa panahong ito. Pero noong dekada 70 kapag umabot sa sa 200 kph ang hanging taglay ng bagyo ay tatawagin iyong “super-bagyo”, at hanggang category 1-3 lang kasi ang lakas ng bagyo noon, ayon sa pagkakasunod.

Gayunpaman, huwag na nating hangarin pa na makaranas ng supertyphoon dahil napakamapaminsala ng gayong klase ng kalamidad. Kung minsan, nagpaparamdam din naman ang Diyos sa tao at ang ginagamit niya ay ang kalikasan upang iparamdam sa tao na siya ang maylikha ng lahat ng bagay, ng kalikasan at ng buhay.

Masyado na kasing materyalistiko ang tao kaya nagpaparamdam na ang Diyos. Sabi nga.ng isang paring Katoliko, isang oras sa isang linggo lang ang hinihingi ng Diyos para sa kanya, at sa tao na ang pitong araw at 23 oras, pero hindi p rin maibigay ng tao ang isang oras para sa Diyos. (RONDA Balita Online News)

 

SHARE
Previous articleMahuhusay na Bulakenyong mananayaw sa kalye, handa na sa tagisan ng talento sa Singkaban Festival
Next articleInternational airport sa Bulacan, puno ng problema
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here