Pag-aresto sa isang kagawad sa CSJDM, kinwestiyon ng oposisyon!

0
414
Si Jennel Aspile (kaliwa), anak ng dinukot na si Kagawad Arnel Aspile habang ikinukwento ang nasaksihang pag-aresto ng mga miyembro ng Civil Security Unit ng Lungsod ng San Jose del Monte nu’ng Huwebes ng gabi habang seryosong nakikinig sina Congressional candidate Irene Del Rosario at dating alkalde Rey San Pedro at iba pang suporters ng oposisyon. Kuha ni Manny D. Balbin

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Kinwestiyon ng oposisyon sa nabanggit na lungsod sa pangunguna nina Congressional candidate Irene Del Rosario at dating alkalde Rey San Pedro ng Team Key San Josenio ang pagkakaaresto sa isang dating barangay captain at kasalukuyang barangay kagawad sa loob ng bahay nito sa Bgy. Citrus nu’ng Huwebes ng gabi.

Si Kagawad Arnel Aspile ay inaresto umano ng mga naka-bonet na armadong kalalakihan at tauhan ng Civil Security Unit ng nasabing lungsod at supporter nina mayoralty candidate Rey San Pedro at congressional candidate Irene Del Rosario.

Sa ginanap na press briefing, Biyernes ng hapon, sinabi ni Del Rosario na illegal ang pagkakaaresto sa kanilang political leader na si Aspile dahil wala umanong search and arrest warrant.

Kinuwestyun din ni Del Rosario kung bakit mga tauhan ng CSU ang umaresto gayun hindi naman awtorisado ng PNP at Comelec ang nasabing grupo.

Ayon kay San Pedro, positibong ginagamit ng kasalukuyang administrasyon ng lungsod ng SJDM ang mga security personnel bilang mga private armies.

Nabatid na bandang alas-9:45 ng gabi habang nagpupulong nang makatanggap sina Del Rosario at dating mayor San Pedro na dinukot ang kanilang supporter sa nasabing barangay.

Pinuntahan nina Del Rosario ang City Police Station subalit wala doon ang kagawad ngunit bandang alas-10:15 ng gabi ay dumating ang tropa ng CSU bitbit si Aspile at dun pa lamang itinurn-over sa kapulisan.

Ayon sa report ng PNP, si Aspile ay inaresto sa reklamong grave threat dahil sa umano’y harassment na ginagawa nito sa kanilang barangay.

Nabatid pa na nakuha sa bag ni Aspile ang isang .45 caliber at tatlong sachet ng shabu.

Ayon kay Del Rosario, planted ang baril at droga na sinasabing nakuha kay Aspile.

Napag-alaman pa na hindi nagtutugma ang report ng pulis sa pahayag ng mga witness.

Kinuwestyon ni Del Rosario kung bakit hindi agad sa pulis dinala ng mga taga CSU si Aspile at napag-alaman na sa motorpool una itong dinala.

Nanawagan si dating alkalde Rey San Pedro at congressional candidate Irene Del Rosario sa mga kinauukulan na bigyan ng pansin ang nagaganap na pagdukot sa kanilang mga supporters.

“Hindi lang ito ang nangyaring pagdukot sa aming mga suporters kundi ito ay halos pangatlong beses nang nangyari at nagsasaalang kibo na lang ang mga kinauukulan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here