Pag-unlad ng LSJDM, tuluy-tuloy!

0
92
Opinion Column ni Vic  Billones lll

NAPAG-USAPAN ng ilang San Josenios, ang tungkol sa pagiging “Highly Urbanized City” (HUC) ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) kamakailan. Sa nasabing usapan ay namamayani ang kabutihan na maidudulot sa pagiging HUC ng nasabing Lungsod, sa buhay ng mga mamamayang San Josenios.

Bagamat maunlad na ang kalagayan ng lungsod, dahil sa mga nagagandahang nagawang gusali, patuloy na pagpapaayos ng mga kalsada, tulay at iba pa, ay mas madaragdagan pa ang kaunlaran at mga benepisyong matatanggap ng mga naninirahan sa naturang lugar, sa sandaling ito ay maging isang ganap na HUC.

Tulad nga ng ating naisulat na noong itinatag ang Task Force para sa HUC. Narito at muli nating sariwain. Ano ba ang mga mangyayari sa isang HUC? Sa Negosyo o kalakalan at komersiyo: Ibinubunsod ng HUC ang mga ‘business sector’ sa bansa, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga pagkakakitaan at isang mas kakaibang kabuhayan.

Malawak na grupo ng negosyo at serbisyo ay makatutulong sa pagmolde ng kakaiba at makabagong institusyong pagkakakitaan at palitan, na siyang nagbibigay ng pagyabong sa isang lungsod o lugar.

Sa lubos na urbanisasyon, ang pamumuhay ay may mga benepisyong makakamtan, gayundin sa trabaho at mga oportunidad na may malaking kita ang mga mamamayan, at sa kalakalan. Ang serbisyong panlipunan, gawaing bayan o imprastraktura, edukasyon at pagunlad ng ekonomiya ay nabibigyan diin at may mga positibong epekto.

Tsk! Tsk! Tsk! Nabanggit nga noon ni Mayor Arturo Robes, LSJDM, sa kanyang talumpati, heto, muli pa din natin sariwain. Na sinisimulan na ang pangangampanya sa pagiging HUC ng LSJDM, at hinihikayat na tumulong ang sambayanan na maging HUC, at ito anya, ay para na rin sa mga San Josenios at sa susunod na henerasyon.

Maganda ang kinahaharap ng LSJDM, kapag ito ay naging ganap na HUC. Muli natin babangitin na ilan dito ay ang posibilidad na makapagbibigay ng maraming mapapasukang trabaho, pagkakakitaan at benepisyo, makapagbigay ng mas kaiga-igayang serbisyo sa komunidad, paglinang sa pakikipagtulungan at pagbabago, makapagbigay ng mga kaibig-ibig at kahalagahan sa kultura at ang pagbawas sa oras ng paglalakbay. Maraming maidudulot na kaigihan kung ganap na ngang maging HUC ang LSJDM.

Malaki ang tiwala ng nakararaming San Josenios sa kakayahan ni Mayor Robes, dahil sa patuloy nitong pagtaguyod sa pitong haligi ng mabuting pamamahala.

Ayon kay Robes ay patuloy ang kanilang matapat at may pusong pamamahala, pagbibigay ng dekalidad sa edukasyon at pagsasanay, pangangalaga ng Kalikasan, epektibong serbisyo publiko, pagpapasigla ng turismo, sining at kultura, pagsuporta sa sektor ng agrikultura, negosyo at pakikipagkalakalan at ang  pagsiguro ng ligtas at mapayapang komunidad.

Hindi maiiwasan noon ang mga problema sa paglobo ng papulasyon, na kung saan tumaas ang ‘crime rate at drug related problem,’ sanhi ng madidilim na lansangan, makikipot at baku-bakong kalsada at pagdami ng basura.

Ang mga hamon at problemang patuloy na tinutugunan ng umuunlad na Lungsod. Ayon pa kay Robes, ginagawa nila ang lahat, kasama ang Sangguniang Panglungsod at tulong na rin ng kanyang kabiyak na si Congresswoman Florida Robes, ang kanilang makakaya, upang tugunan ang maraming suliranin na kanilang kinakaharap.

Patuloy pa rin nilang pinauunlad ang Lungsod sa pamamagitan ng mga proyekto at programang pang-kaunlaran, kasabay nito ang pagpapasigla ng Sining at Turismo, upang mas maging makulay ang kultura at pamumuhay sa Lungsod ng San Jose.

Kaya sa higit na kakayahan ng Punong Lungsod na si Robes ay nakasisiguro ang nakararaming mamamayan sa kanyang nasasakupan na  magagawa niyang masubaybayan pa ng ganap, kung magiging tuluyan ngang maging HUC ang LSJDM. Ganap ngang kaunlaran sa LSJDM, kinikinita na.

Heto pa ang ating napag-alamang ulat na ipinagpaliban pansamantala ang mga ‘mass gatherings’ kabilang na ang mga aktibidad at gawaing panrelihiyon dito sa LSJDM.

Ito ay upang masiguro na naipatutupad ang Minimum Health Standards sa lugar ng mga dasalan sa lungsod, upang maiwasan ang patuloy pang pagdami ng kaso ng Coronavirus.

Pag-uusap na sinagawa kasama ang CSJDM Task Force-ERID sa mga kaparian sa lungsod kaugnay sa mga ipinatutupad na alituntunin ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose del Monte, kamakailan.

Para sa kaligtasan na rin ng lahat laban sa COVID-19, bigyan pansin natin ng mensahe ni Bulacan Vice Governor Wilhelmino Sy Alvarado: Kabilang ang ating lalawigan sa mga muling nagtala ng mataas na kaso ng COVID-19, kaya naman kailangan ang mas maigting na pagpapatupad ng mga health and safety protocols at ang mahigpit na paalala sa mga mamamayan na sundin ang mga ito.

Paano nga ba IWASAN ANG VIRUS? Palakasin ang katawan. Huwag kalimutang mag-ehersisyo, kumain ng tama, uminom ng bitamina at matulog ng sapat. Maging malinis sa lahat oras. Huwag kakalimutan ang paghuhugas ng kamay, pagdidisinfect sa mga bagay na madalas hawakan at paglilinis ng buong kapaligiran.

Stay at home. Umiwas sa mga mass gatherings at kung kailangang lumabas ay panatilihin ang social distancing at huwag kalimutang magsuot ng face mask at face shield.

Dapat ay laging handa. Maglagay ng first aid kit at emergency contact numbers.

Kayang-kaya nating labanan ang COVID-19, kung palagi lamang nating isasaisip at isasapuso ang mga health and safety protocols at maging disiplinado sa lahat ng oras at pagkakataon.

Tsk! Tsk! Tsk! Batid nating Suya at Inis na ang ilan sa ating mga kababayan sa Salot na si COVID-19, pero wala tayong magagawa, kundi sundin ang payo ni VG. Alvarado, upang mailigtas ang sarili sa sakit at kamatayan. Hanggang sa muli! (RONDA BALITA Online) 

Previous articleAndan, enunciates his integrity as member of the Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan
Next articleNaisisingit pa rin ang bisyo sa gitna ng GCQ
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here