Home Editorial Pagbabawal sa unli rice, inulan ng batikos

Pagbabawal sa unli rice, inulan ng batikos

822
0
SHARE

INULAN ng batikos at pangungutya mula sa netizens ang naging suhestiyon ni Sen. Cynthia Villar, chairman ng Senate committee on agriculture and food, na ipagbawal ang sa mga fastfoods at  restaurants ang unlimited rice promo.

Hindi sang-ayon ang marami sa naging mungkahi ng senador na limitahan ang unli rice dahil ang isang takal na kanin ay kulang sa isang taong nagbabanat ng buto at agad sa trabaho. Malalakas komunsumo ng kanin ang mga nagtatrabaho sa konstraksyon, pabrika, bukid at iab pang ang klase ng trabaho ay nakalantad sa matinding sikat ng araw.

Kung kakapurit na kanin lang ay manghihina ang mga sila. Aangal din tiyak ang mga nagba-budget sapagkat sa kanin na lamang sila bumabawi. Kahit na kakaunti ang ulam, basta marami at mainit ang kanin, patok na ito sa kanila. Ani kasi ng senadora, may kaakibat umanong epekto sa kalusugan ang pagkain ng sobrang kanin.

Kung si Sen. Cynthia Villar ang tatanungin, dapat aniyang ipagbawal ang unlimited rice promos ng mga restaurants upang mapanatili ang sapat na suplay ng bigas sa bansa. Idinagdag pa nito na bukod sa pagpapanatili ng dami ng bigas sa bansa, may kaakibat din itong epekto sa kalusugan ng mga Pilipino.

Dumating pa sa punto na pati ang negosyo ng pamilya ng senadora ay kinutya ng netizens, “dapat daw ang inuuna ni Sen. Villar ay yung mga may lupa na di nabayaran ng kumpanya nyo na ginawa ninyong kalsada at subdivisions.” Dahil sa naging trending sa social media ang usapin, agad namang buwelta ang senadora na wala umano siyang balak na maghain ng panukalang batas na naglalayong ipa-ban ang uli rice promo ng mga restaurants.

Ani pa nito na na maganda umanong ideya kung babawasan ang pagkain ng kanin para sa kalusugan. Mas maganda kung isusulong ni Sen. Villar ay ang wasto at regular na pag-eehersisyo ang mga Pinoy na nakakaligtaan na ng karamihan.

SHARE
Previous articleDroga sa Bulacan, Talamak pa rin?
Next articleGob. Willy M. Sy-Alvarado, maraming saludo sa kanyang kakayahan
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here