Home Batok sa Kaliwa, Suntok sa Kanan Pagbagsak ng presyo ng bigas, hindi dapat isisi sa RTL

Pagbagsak ng presyo ng bigas, hindi dapat isisi sa RTL

62
0
SHARE
An opinion column by Rolando S. Gamoso

HINDI dapat isisi sa Rice Tariffication Law (RTL) ang pagbaba ng presyo ng palay. Ito ang sinabi ni Agriculture Secretary William Dar bilang sagot sa mga batikos ng ilang rice traders and millers.

“Even before the inaction of the Rice Tariffication Law, mayroon nang pagbaba ng palay prices, so may nagsasamantala nito,” ayon kay Sec. Dar.

Sa pahayag ni Dar, lumalabas na may mga pagmamanipulang nangyayari sa likod nang patuloy na pagbaba ng presyo ng palay kung saan ang kawawa o higit na naapektuhan dito ay ang mga maliliit na magsasaka.

Naniniwala si Dar na habang isinasapinal pa lamang lamang ang RTL ay may ilang rice trades and millers na ang nag-umpisag mag-imbak ng bigas.

“Mayroong pumasok na mga imports at the same time when the RTL was being finalized that season, binagsak na nila ang presyo ng palay, so paano mo ma-aattribute na RTL ‘yan and that was like taking opportunity na ibinagsak na ang presyo at hindi na sila bumili so they stop buying, they stop milling,” sabi ni Dar.

Dagdag pa ni Dar, hindi rin daw dapat isisi ng mga farmers group at consumers sa mga nag akda ng batas sa Senado sa pangunguna ni Sen. Cynthia Villar ang pagbaba ng presyo ng palay sa merkado nitong mga nakaraang buwan.

Mukhang katanggap-tanggap ang mga pahayag ni Secretary Dar pero sadyang hindi ako sang-ayon na walang kinalaman ang RTL sa biglaang pagbagsak ng presyo ng palay.

Sa pagputok pa lamang ng balitang mag-aangkat ng mga imported rice ang Pilipnas na ’di hamak na mas mababa pa ang presyo kumpara sa mga local products ng mga magsasaka dito sa bansa, naalarma na ang karamihan sa mga magsasaka. Sino ba naman ang hindi matatakot?

Papasukin ng mga imported rice ang Pilipinas tapos mas mura pa ang presyo, siyempre ang papasok sa isip ng mga magsasaka ay: PAANO NA ANG AMING ANI? Ito ngayon ang magtutulak sa kanila para kumagat sa pananamantala ng mga tusong negosyante o rice traders na ibenta ang mga palay nila sa hindi kumportableng presyo para sa kanila.

Ano mang eksplenasyon ang gagawin ni Secretary Dar, hindi niya maikakaila na sa pagpasok ng mg imported rice dito sa bansa, nagkaroon ng hindi magandang epekto sa presyo ng mga produkto ng mga local rice producers dito sa bansa.

Kung hindi pa umalma ang mga magsasaka at buong-tapang na isinatinig ang kanilang mga hinaing, hindi pa kikilos ang pamahalaan para tulungan sila at itaas ng Php 19.00 ang kada kilo ng palay.

Hindi natin masisisi ang mga magsasaka kung sisihin nila si Sen. Cynthia Villar at ang mga kasama niyang nag-akda sa RTL. Sa tingin kasi ng mga magsasaka, ang RTL ang unti-unting papatay sa produksyon ng palay dito sa bansa.

Dahil kung patuloy na babagsak ang presyo ng mga produktong palay ng mga magsasaka dito sa bansa gawa ng patuloy na pag-aangkat natin ng mga imported rice, siguradong wala na pong ni isa man sa mga magsasaka natin dito ang magtatanim pa ng palay sa mga susunod na panahon, period! (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleGroups oppose construction of international airport in Bulacan
Next articleWorld Peace Summit to call for collective effort for sustainable peace
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here