Home News Report Paggunita sa 2nd World Antibiotic Awareness Week, inilunsad ng DOH

Paggunita sa 2nd World Antibiotic Awareness Week, inilunsad ng DOH

195
0
SHARE

INILUNSAD nang Department of Health kasama ang iba pang ahensya at stakeholders ang mga bagong guidelines sa pag-inom ng antibiotics kaugnay ng pagdiriwang ng 2nd World Antibiotic Awareness Week.

Ayon kay Health Secretary Francisco T. Duque III, layunin ng National Antibiotic Guidelines na ma-optimize ang antimicrobial use at mas mapangalagaan ang mga pasyenteng gumagamit ng naturang gamot.

Kasama sa mga guidelines ang treatment recommendations para sa mga nakakahawang sakit kung saan tinukoy ang mga ito per organ system at iprinisinta sa tabular format para mas madaling maunawaan.

May temang“Seek Advice from a Qualified Healthcare Professional Before Taking Antibiotics,” ang nasabing okasyon.

Target nito  na mas mapalawak pa ang pag-unawa ng mga tao pagdating sa anti-microbial resistance (AMR).

Mula sa National Antibiotic Guidelines Committee,na isang multi-disciplinary body na pinamumunuan naman  ni Dr. Mediadora Saniel kasama ang mga eksperto sa larangan ng epidemiology, pharmacology at public health program management.

Matatandaang una nang sinabi ni Secretary Duque na sa  katatapos na  31st ASEAN Summit, na nagkasundo ang lahat ng leaders ng ASEAN na i-adopt ang Declaration on Anti-microbial Resistance (AMR): Combating through One Health Approach na sya namang pinangunahan ng Pilipinas. (RBON)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here