Paghahati ng Bulacan, aprobado na!

0
110

USAP-USAPAN sa apat na sulok ng Lalawigan ng Bulacan ang pagpapatibay o pag-aaproba sa panukalang batas na re-apportioning ng Bulacan upang maging anim na legislative districts mula sa pagiging apat.

Ang panukalang House Bill 6867 na mula akda ni Rep. Lorna Silverio ng Ikatlong Distrito ng Bulacan ay pumasa na umano sa Senate Committee on Local Government.

Batay dito, mula sa kasalukuyang apat na distrito ay hahatiiin na sa anim na distrito ang ating lalawigan.

Layunin nito na matiyak ang angkop at epektibong representasyon ng lalawigan ng Bulacan sa Kongreso alinsunod sa pagtaas ng populasyon mula pa nang simulang ipatupad ang 1987 Constitution.

Ang muling pagsasaayos na ito ay nakaayon sa probisyon ng saligang batas na pagbubuo ng bagong legislative districts kabilang na ang pagtalima sa kaukulang populasyon na 250,000 kada distrito.

Narito ang panukalang pagkakahati ng lalawigan batay sa HB 6867:

UNANG DISTRITO (Population: 717,820) – Calumpit, Hagonoy, Paombong, Pulilan, Bulakan at City of Malolos;

IKALAWANG DISTRITO (Population: 324,728) – Baliuag, Bustos at Plaridel

IKATLONG DISTRITO (Population: 375,671) – San Ildefonso, San Miguel, San Rafael at Dona Remedios Trinidad

IKAAPAT NA DISTRITO (Population: 490,245) – Obando, Marilao at City of Meycauayan

IKALIMANG DISTRITO (Population: 382,409)- Guiguinto, Balagtas, Pandi at Bocaue

IKAANIM NA DISTRITO (Population; 427,039) – Sta. Maria, Norzagaray at Angat

Ang Syudad ng San Jose del Monte ay mananatili sa kasalukuyang katayuan nito na lone district.

Tuloy-tuloy ang pagsasabatas nito at wala nang magiging balakid para maantala pa.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita, ang Lingguhang Pahayagan ng masang Bulakenyo.

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.
Babu!  

Kung may tanong, su­hestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917-205 -3350. (RONDA BALITA Online)  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here