Home EXTRAFONTS Pagkatapos ng SARS, misteryosong virus naman

Pagkatapos ng SARS, misteryosong virus naman

16
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

MATATANDAANG sa bansang China lumaganap noong early 2000s ang sakit na severe acute respiratory syndrome (SARS), isang uri ng virus na kumitil sa maraming Tsino at maging sa bansang Japan ay marami ring Hapones ang namatay sa deadly virus na SARS.

Salamat na lang at agad na nakontrol ang paglaganap ng natursang viral desease. Mabuti rin at hindi nakarating sa Pilipinas ang SARS, pero labis na ikinabahala ng mga Pilipino ang sakit na ito. Ang mga malalamig na bansa lang kasi ang tinamaan ng nasabing karamdaman.

Kamakailan ay napabalita na may isang uri ng viral desease ang kumalat sa Wuhan, China. Hindi pa mabatid ng health authorities kung anong klaseng virus ang tumama sa mga mamamayan sa naturang probinsiya.

Ayon sa report, ang naturang sakit ay walang iniwan sa pulmonya o respiratory desease. Alam naman natin na kapag ang isang tao ay tinamaan ng pulmonya ay nahihirapang huminga dahil sa mabagsik na mikrobyong namamahay sa baga ng pasyente.

Ang pulmonya ay nakamamatay kung hindi maagapan laya itong misteryosong virus na kumalat sa naturang probinsiya sa China ay ang baga rin ng maysakit ang unang naaapektuhan kapag nakontaminado ng virus ang katawan ng biktima.

Dahil dito, inatasan ni Health Secretary Francisco Duque III ang Bureau of Quarantine (BOQ) na mahigpit na magbantay sa lahat ng paliparan at pantalan sa bansa laban sa misteryosong sakit na mula sa China.

Partikular na pinatututukan ni Duque ang mga pasahero dumarating sa mga paliparan ng Pilipinas kung ang mga pasahero ay may lagnat at sintomas ng respiratory infection.

Sinasabing nagkaroon ng exposure ang mga pasyente sa isang palengke sa Wuhan pero, hindi malinaw hanggang ngayon kung paano nakuha ng mga pasyente ang hindi pa matukoy na uri ng virus.

Pinaalalahanan din ni Roque n ang publiko na ugaliin ang tamang hand hygiene at magtakip ng bibig kapag umuubo upang kung mayroon man silang sipon o kaya naman ay ubo para hindi kumalat ang mikrobyo.

Iyan kasing virus ay hindi napapatay ng antibiotic lamang. Bakuna lamang ang nakapipigil sa pagkalat ng virus, tulad ng bakuna sa Pneumonia. Nakapagpabakuna na rin ako ng anti-Pneumonia vaccine. Mahirap kasing magkasakit ng pulmonya. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleAngkas hindi na magsasakay ng mga matataba
Next articleMayor ng San Fernando City LU, sinibak ng Ombudsman sa puwesto
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here