Home Pilantik Pagkusinting garapalan. Bayan kailan ka pa matatauhan?

Pagkusinting garapalan. Bayan kailan ka pa matatauhan?

28
0
SHARE

MISTULANG sinampal ng harap-harapan ang buong pamunuan kasama na ang mga nagsipagtapos sa Philippine Military Academy o PMA sa ginawang pag-alipusta kay Ret. Gen. Rolando Bautista na sa kasalukuyan ay siyang namumuno sa Department of Social Welllfare and Development (DSWD).

Sagad-sagarang binastos ni Erwin Tulfo si Sec. Bautista matapos hindi mapaunlakan na makapanayam sa kanyang sa kanyang programa na ipinapalabas sa isang istasyon ng telebisyon.

Ilang masasakit na pananalita ang ipinukol at binitiwan ni Tulfo sa naturang sekretaryo na kahit yata hayup ay hindi kayang lunukin na nagdulot ng matinding kahihiyan sa imahe ng akademya (PMA) higit sa lahat ay sa pamilya ng retiradong heneral.

Ilang araw ang lumipas matapos ang insidentente, biglang lumamya ang tigasing si Erwin Tulfo at tuluyang humingi ng pasensya kay Bautista subalit pinanindigan naman na kaylan man ay hindi niya babawiin ang kanyang bibitiwang maaanghang na pananalita.

Dahil sa ginawang paghingi ng paumanhin ni Tulfo SUMABAD na at NAKISAWSAW itong tagapagsinungaling este tagapagsalita ng pangulo at iminungkahi na mag move-on na lamang ang mga taong laman ng isyung ito.

Maging itong si PNP chief Albayalde ay nakisawsaw na rin at sinabi pa na isang pagiging maginoo ang ginawang hakbang nitong si Erwin Tulfo.
Dahil sa mga pangyayaring ito, malinaw na “binabalewala” ng mga taong ito (Albayalde at Panelo) ang kahihiyang inabot ng taong kanilang kasamahan sa trabaho sa pagpapatakbo ng isang sangay ng ating gobyerno.

Bakit at anong makatuwirang dahilan upang kanilang talikuran sa isang matinding laban ang taong umaasang kanilang dadamayan sa oras ng pangangailangan lalo pa’t iisa ang akademya na kanilang pinagmulan o pinagtapusan.

Takot ba at bahag ang kanilang mga buntot dito sa mga Tulfo o mayroong “sikreto” na maaring humahadlang sa usaping ito ? Mayroon bang nagmamando kina Albayalde at Panelo upang talikuran ang kasama nilang binastos na ay inalipusta pa?

Sayang na sayang ang pagkakakilala sa kanila ng taong bayan , na kaagapay ng bawat isang nalalagay sa gipit na sitwasyon at pangangailangan. ANIMO’Y KUNG GAANO KATITIKAS, YUN PALA AY HIND PANTAY ANG MGA BOLAS.

Marami ang nagsasabi na ng dahil sa pangyayaring ito, unti-unti ay lumalabas na ang tunay na kulay ng ilang taong gobyerno partikular sina Albayalde at Panelo, ang mga MAAAMONG TUPA NG PANGULO.

Ayun pa rin sa napakaraming tao na nakatutok sa isyung ito , SOBRANG GARAPALAN NA ANG PANGUNGUNSINTI sa mga taong bistadong mga abusado lalo’t sanggang dikit ng administrasyong ito, sapagkat sa halip di umano na ipaglaban ang taong nasa tama ay tila ba lalo pang inilulublob sa kahihiyan.

Ang gagaling kung makapagsalita subalit ang katotohanan ay kulang na kulang sa aksyon at gawa. Garapalan na ’yan, Bayan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here