Pagpapalakas sa Farm Tourism ng San Ildefonso, isinulong sa Gulay Caravan

0
284

SAN ILDEFONSO, Bulacan — Pumuposisyon na ang bayan ng San Ildefonso sa pagiging bagong destinasyon ng Farm Tourism sa bansa.

Iyan ang isinulong sa Gulay Caravan na ginanap kasabay ng pistang bayan.

Ayon kay Provincial History, Arts & Culture and Tourism Office Head Eliseo Dela Cruz, alam na ng lahat kung gaano kalaki ang papel ng Bulacan sa kasaysayan ng bansa at ngayon ipapaalam naman na may masaganang gulayan sa lalawigan kung saan maging ang mga bukirin ay maaring dayuhin ng mga turista.

Patunay na dito na sa San Ildefonso matatagpuan ang kauna-unahang Farm Tourism site na rehistrado sa Department of Tourism at Department of Agriculture: ang Duran Farm & Agribsiness Training Center sa Barangay Basuit.

Binigyang diin pa ni Dela Cruz na bago pa man maging batas ang Republic Act 10816 o ang Farm Tourism Development Act of 2016, taong 2008 pa dinarayo ng mga turista ang Duran Farm.

Pag-aari ito ni Daisy Duran na benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here