Pagpapapako sa Krus, penitensiya ipinagbawal sa Brgy. Kapitangan, Paombong

0
379

PAOMBONG, Bulacan — Bunsod ng pinaiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine, mahigpit na pinagbabawal ngayong Semana Santa ang pagpapapako sa krus, penitensiya at pagbabasa ng Pasyon sa Barangay Kapitangan, dito sa nasabing bayan.

Ayon kay Danny Medina, namamahala sa bisita ng nasabing barangay, ito ay ipatutupad ngayong Holy Week habang nakakaranas ang ating probinsiya ng epidemya dulot ng corona virus.

“Wala munang magaganap sa taunang pagpapapako sa krus ang mga namamanata, penitensiya at maging ang pagbasa umano ng Pasyon ay mahigpit na pinagbabawal,” ani Medina

Dagdag pa ni Medina na sa panahon ngayon ay lubhang napakahalaga ng kaligtasan ng publiko laban sa sakit na nakamamatay, ang COVID-19, kaya’t pansamatala munang isasarado ang bisita ng Kapitangan para sa mga panata ngayong Holy week.

Hinikayat din ni Medina ang mga deboto na gawin na lang sa bahay ang pagdarasal kaysa lumabas pa at gawin ang dating nakagawiaan tuwing Semana Santa.

Tuwing darating ang Semana Santa, lubhang napaka-abala ng Brgy. Kapitangan sa bayan ng Paombong dahil sa libo-libong deboto ang dumarayo dito upang manalangin. saksihan ang mga nagpapapako sa krus, nagpepenitensiya at ang paghugas ng agua colognia sa Poon ng Sto. Cristo. (RONDA BALITA Online)

May dagdag na ulat si Jose Erwin Bunag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here