Home Senyor Latigo Pagpapatupad ng Revolutionary Government, kinaiinipan na!

Pagpapatupad ng Revolutionary Government, kinaiinipan na!

53
0
SHARE

MARAMI na ang nagpapahayag ng kanilang pagkainip na maideklara o maipatupad na nang ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang sinasabi nitong Revolutionary Form of Government!

Dahil sa marami ang naniniwalang sa sandaling maipatupad na ang REVGOV ay magtutuluy-tuloy na ang pag-unlad ng buhay nating mga Pilipino.

Mawawala na ang mga kontrabidang walang ibang inaabangan kundi kung papaanong mapipintasan ang lahat ng mga sinsabi at ginagawa ng ating Pangulo.

Maging ang mga raliyista at mga nagkikilos protesta na ng dahil sa halagang P500.00 hanggang P1,000.00 tinatanggap na bayad mula sa mga bukog at hunghang na mga financer ay nagagawa nang mambugbog ng ating mga kapulisan.

Na napakalaking pagkakaiba sa mga inuugali ng mga nagkikilos protesta noon na talagang inihahayag nila ang kanilang mga reklamo at karaingan sa lansangan para makarating sa mga kinauukulan.

Ang nakakapundi at nakakairita sa mga nagsisipag-rally ngayon ay mas marami yong kung sino pa yong galit na galit na napakalakas magsisisigaw ay siyang walang alam kung bakit at anong dahilan at sila ay nagra-rally.

Kapag naipatupad na ang REVGOV ay mawawala na yong mga taong patuloy na naninira at kumakalaban sa ating Pangulong Duterte.

Sinasabi nilang berdugo at mamamatay kuno ang Pangulong Duterte.

Yan ang mga litanyang isinisigaw ng mga Anti-Duterte, Yellow Garbage, Pari, Madre, Human Rights, UN, Trililing, FVP at Hontivirus.

Na kung ididilat lang natin ang ating mga mata ay makikita natin na ang lahat ng kanilang akusasyon laban sa ating Pangulong Duterte ay pawang mga  kasinungalingan.

Dahil kung totoong berdugo at mamamatay tao ang ating Pangulo, bakit hanggang ngayon ay mga buhay pa ang mga sinalipak?

Diretsahan at walang mga pakundangan kung laitin at pagsalitaan nila ng masama ang Pangulo.

Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit maraming mga lider ng ibang bansa ang tunay na humahanga sa liderato ng Pangulong Duterte.

Nakita at nadama ng mga ito ang katunayan ng pagmamalasakit at pagmamahal ng Pangulong Duterte sa kanyang mamamayan at Inang Bayan.

Kaya hayagang nagdedeklara po ang inyong abang lingkod ng aking lubos na pagsuporta na maipatupad na sa lalong madaling panahon ang REVOLUTIONARY GOVERNMENT para matapos na ang pamamayagpag ng mga tao o grupong humahadlang sa tunay na pagbabago tungo sa ikauunlad at ikasasagana ng buhay ng tunay na mamamayang Pilipino ng bansang Pilipinas.

 

*****

SA kauna-unahang pagkakataon ay natuloy rin akong nakarating sa City Hall ng Malolos City.

Habang bumibiyahe sakay ng aking single na motorsiklo ay napahanga ako sa laki ng ipinagbago ng siyudad.

Napakadami na ng mga nakatayong commercial buildings at business establishments.

Kaya na pala akong iligaw sa lungsod ng Malolos dahil sa nakapalaki ng iniunlad nito.

First time ko ring makapasok sa loob ng Malolos Gym! Napakaluwag at napakaganda pala.

Lalo pa akong humanga ng isama ako ng aming Pangulo ng DAGUIT PRESS CORPS na si Pangulong Ronald Castro sa bagong opisina ng Malolos City PNP Headquarters.

Talagang napa-wow ako sa ganda, kumpleto sa lahat ng gamit at pagiging in order ng kanilang mga opisina o tanggapan.

First time ko ring na meet ang sikat na Hepe ng Malolos City PNP na si P/Supt. Heryl “Daguit” Bruno.

First impression ko kay hepe ng ipakilala ako sa kanya ni Pangulong Ronald ay suplado at istrikto!

Pero ng bumaba at lumabas ito ng kanyang opisina ay nakita ko naman ang galing ng PR nito.

Dahil halos lahat ng mga taong nakaumpukan at kausap namin ni Pangulong Ronald ay kabatian niya.

Habang si Malolos Mayor Christian Natividad naman ay halos hindi na rin magkamayaw sa pagsaludar sa lahat ng mga taong lumalapit sa kanya para makausap at makahingi ng tulong.

Ang nakapagbigay lang sa kanya ng lakas o enerhiya ay isang tasang black coffee. Walang tinapay o biskuwit man lang.

Pero ang pakikiharap ni Mayor Christian sa lahat ay walang ipinagbago! Naroon pa rin ang kanyang mga matatamis na ngiti, matutunog na halakhak, pag-akbay at pagrespeto sa mga nakakatanda sa pamamagitan ng pagmamani.

Dugong Natividad, mana kay Teddy at tatak Agila si Mayor Christian Natividad! Kung kaya hindi na talaga maiaalis na lalo itong mahalin ng kanyang mga constituents dahil sa patuloy nitong naisusulong ang kaunlaran at katahimikan sa lunsod na kanyang pinaglilingkuran!

Mabuhay at more power sa PERFECT DUO na sina Mayor Christian “Agila” Natividad at P/Supt. Heryl “Daguit” Bruno na naging instrumento para patuloy na umunlad ang Lungsod ng Malolos!

SHARE
Previous articleKahanga-hangang tax refund law ng Japan!
Next articleBakuna laban sa dengue may masamang epekto sa kalusugan — DOH
Hard-hitting broadcaster/columnist Archie Lorenzo Jimenez, of Plaridel, Bulacan was a Masscom graduate major in Broadcasting at Centro Escolar University. He worked in several radio stations as broadcaster, DZME1530, DWAN 1206, DZXQ 1350, DWGV 792, DZRM 1242 and DWDD AFP. A former Editor-in-Chief of Bulacan newspaper namely TUDLA, and had a brief stint as columnist of CMT UPDATES and Bulacan Catcher. He is now RONDA Balita’s whipping columnist.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here