Pagpayag ng IATF sa mga edad 10-14 sa MGCQ, tinabla ni Duterte

0
242

TINABLA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force na payagan na ang mga kabataang may edad na 10 hanggang 14 na nasa lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) na lumabas-labas ng bahay simula sa Pebrero 1.

“Yung restrictions na lifting the age for 10 to 14 age group sa MGCQ areas na palabasin na ‘yung mga 10 to 14, I am compelled. It has nothing to do with their incompetence, not at all. Ang akin is a precaution because there is or there was or is a [variant] discovered in the Cordillera that is very similar to the [variant] dito sa United Kingdom,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

“Balik ho kayo sa bahay muna. Besides 10 years old to 14…10, 11, 12 pwede na sila sa TV. They can glue their attention sa TV the whole day. Pasensya na po kayo. Mine is just a precaution. Takot lang ako kasi ‘yung bagong [variant] strikes the children,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “… just to be sure and in our desire to protect our people napilitan akong ireimpose ang 10 to 14, not at this time. it’s a sacrifice for the parents and the children, it would limit their movements…”

Nauna nang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pwede nang lumabas ng kanilang mga tahanan ang mga batang eadad 10 hanggang 14 taong gulang.

“The Inter-Agency Task Force approved the recommendation to relax age-based restrictions for areas placed under Modified General Community Quarantine beginning February 1, 2021,” ayon kay Sec. Roque.

“Any person below ten (10) years old and those who are over sixty-five (65) years of age shall be required to remain in their residence at all times,” dagdag nito.

Hinihikayat na rin aniya ng IATF ang local government units ng mga nasa general community quarantine na i-relax ang ipinatutupad na age-restrictions sa paglabas-labas ng bahay.
Ito’y kahit marami sa COVID-19 vaccines ang hindi pwedeng iturok basta-basta sa menor de edad. Rekomendado ang Pfizer vaccine sa 16-anyos pataas habang ang Moderna ay para sa 18-anyos pataas.

Una nang gustong mapaluwag ng National Economic and Development Authority ang mga nasabing restriction, lalo na’t 50% aniya ng economic activities ay nagmumula sa mga aktibidad ng pamilya. Kapag nasa loob ang mga bata, nasa loob din ang mga magulang para mag-alaga.

Sa ngayon, tanging 15-65 lang ang pinapayagang lumabas ng mga bahay. Pinapayagan lang ang paglabas ng mga naturang tao kung kukuha ng mga mahahalagang pang-araw-araw na pangangailangan.

Dahil sa banta ng COVID-19 sa kalusugan ng kabataan, ipinagbabawal pa rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa bansa sa ngayon.

Source: REMATE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here