Home News Report Pagsasaligal ng Marijuana, pag-aaralan ng DOH

Pagsasaligal ng Marijuana, pag-aaralan ng DOH

343
0
SHARE
big cannabis marijuana plant detail; Shutterstock ID 81388594; PO: test; Job: dev; Client: drone

NAKATAKDANG bumuo ang Department of Health (DOH) ng isang technical evaluation committee upang pag-aralan ang maaaring maging implikasyon ng pagsasaligal ng medical marijuana.

Ito ay makaraang ipasa ng House Committee on Health noong Setyembre ang House Bill 180 o “Philippine Medical Compassionate Medical Cannabis Act” na layong isaligal at ma-regulate ang paggamit ng marijuana.

Ayon kay Health Undersecretary for Health Regulation Mario Villaverde, ang komite ay bubuuin ng TEC ng Health Facilities and Services Regulatory Bureau ng DOH, Food and Drug Administration at Philippine Institute for Traditional and Alternative Health Care.

Iginiit kasi ni Villaverde na ang marijuana ay mapanganib sa raw form nito.

Ito rin ang sentimiyento ni Health Secretary Francisco Duque, subalit aprubado lamang niya ang paggamit ng medical marijuana na eksklusibo lamang sa medical research.

Ayon sa kalihim,  pinapayagan sa ilalim ng Section 16 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang medical laboratories na magpatubo ng marijuana at katulad ng ibang mga halaman.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here